Kirsten
Mahigpit na hawak ni Zimmer ang aking kamay habang inaalalayan ako papunta sa gitna ng stage. Abot-tainga ang ngiti ni Prof. Morgan na para bang satisfied sa nakikita niyang hitsura ko.
Nang muli kong ibaling ang tingin sa kinatatayuan ni Chance ay muli kong nasalubong ang kanyang malamig na titig at para bang umismid pa.
Ano bang ginagawa niya rito?
Saglit na nagbigay ng instructions sa akin ang photographer sa mga poses na gagawin ko. Mataman ring nakatitig sa akin si Zimmer na katabi ni Prof. Morgan na para bang nagbibigay din ng kung anong instructions sa kanya.
Maraming beses na nag-click ang camera at masaya pang napasisigaw ang photographer dahil nasusunod ko nang maayos ang gusto nito. Hindi na rin naman bago sa akin ang ganito kaya't gamay ko na rin ang mga anggulong bagay sa aking mukha.
"Camera loves you Ms. Kirsten. You are so beautiful," puri pa n'ong photographer habang ilang ulit na tinitingnan ang aking kuha sa kanyang camera.
Hindi rin naman nagtagal ay mabilis kaming nakatapos at agad na ring pinalapit si Zimmer sa gitna ng stage. Muli siyang nagbigay ng instructions para sa mga poses na aming gagawin at ilang beses din itong nag-demo kung saang bahagi ng aking katawan hahawak si Zimmer.
"We need to make it look romantic... sensual..." tila nangangarap pang sabi ni Prof. Morgan.
Tatangu-tango namang sumang-ayon ang photographer na hindi pa man ay excited na sa mga poses na isina-suggest nito.
Ang unang pose namin ay magkalayo pa kami ni Zimmer, pero hawak niya ang kamay ko na tipong ayaw akong pakawalan. Ilang click bago ulit kami paglapitin at ngayon naman ay malapit na ang aming kuha.
"You need to possessively wrap your arms around her waist, Zimmer. Like this," sabi pa ni Prof. Morgan sabay hila sa kamay ni Zimmer paikot sa aking baywang. Nakadikit ang aking likod sa kanyang dibdib at talaga namang magkadikit ang aming katawan. "But Kirs, you need to look away from him, okay?" instruct pa nito bago ulit sunud-sunod na mag-click ang camera.
"Kiss her shoulder, Zimmer. Ilapat mo ang labi mo ng ilang segundo sa balikat niya. And Kirs, look away pa rin, huh?" sabi pa ni Prof. Morgan at tanging opo lang ang narinig kong sagot ni Zimmer.
Nang lumapat ang labi ni Zimmer sa balikat ko ay pinigilan kong mag-react nang kakaiba. It's uncomfortable, pero hindi rin naman makabubuting mag-inarte ako para sa simpleng halik.
Ilang beses ulit nag-click ang camera at panay ang palakpak ni Prof. Morgan na para bang ligayang-ligaya sa nakikita.
"Was that even appropriate?"
Pare-parehas kaming natigilan sa biglaang pagsulpot na iyon ni Chance sa harap ng stage. Salubong ang kanyang mga kilay na akala mo anytime ay sasabak sa giyera.
Anong problema niya?
"Oh, Chance. What are you doing here?" nakangiting bati naman ni Prof. Morgan na parang hindi pansin ang nakasimangot na mukha nito.
"I think it is not fair for Kirsten. Photoshoot lang 'to. Kailangan ba talaga ganyan ka-intimate ang picture?" matapang rin namang tanong ni Chance na para bang walang kinatatakutan.
Wala nga pala siyang kinatatakutan.
Hindi rin nga pala niya minsan maiwasan na gamitin ang popularidad ng kanyang pamilya para kilalanin ng ibang tao. Though, wala rin nga palang effort iyon. Kilala ang kanilang pamilya sa buong bansa katulad namin. Sila ang pinakamalapit na ka-kompetensya namin sa negosyo, pero nananatiling mabuting magkaibigan ang aming mga pamilya.

BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...