A/N:
Hello po. Sorry if 'di ko na masyado nache-check grammars nito. Minsan diretso sulat lang at nasanay ako na naka past tense palagi ang english sentences kahit na minsan dapat naka-present tense na. Nalilito ako talaga sa part na iyan. Kaya normally, sa convo naka-present tense ako. Anyways, basta may mapansin, ayos lang po na i-call ninyo attention ko. Mas mapapadali editing in the future. Hahaha! And thank u for not judging. ❤
Salamat po sa nagbabasa sa #KirsChan
❤
Ate Mommy Dean
********
Chance Daniel
Matapos kong kumuha kunwari ng kung ano sa aking sasakyan ay agad din akong lumabas at pasimpleng tinapunan ng tingin si Kirsten na matalim pang umirap sa akin. Umismid ako at hindi naman lingid sa akin na selos na selos siya kay Miley.
"Nasaan ang sundo mo, baby girl?" kaswal na tanong ko pa sabay nagpamulsa.
Mabilis ding kumapit sa braso ko si Miley at idinikit ang katawan niya sa akin. Saglit na nagtaas ng kilay si Kirsten na para bang irita pang sasagot.
"Na-traffic lang. May aksidente raw malapit sa Greene's Mall," matabang pa niyang sagot nang hindi tumitingin sa akin.
"If you like Kirs, ako na maghahatid sa'yo. Tutal naman same way lang tayo," nakangiting boluntaryo pa ni Zimmer na nagpatiim-bagang sa akin.
I should compliment the guy. He wasn't wasting time.
"No, it's okay, Zim. Malapit naman na si Kuya Lino," mabilis na tanggi rin naman ni Kirs. Pinigilan kong mangiti at iyon naman ang gusto kong marinig mula sa kanya.
"Um, sige. Samahan na lang kita rito hanggang sa dumating siya," nakangiti pa rin namang sabi ni Zimmer. Mukhang hindi man lang na-disappoint sa pagtanggi ni Kirs.
Oh, I love the fighting spirit of this guy.
"Gusto mong ihatid kita, Kirs?" tanong ko pa na nagpalingon ulit sa kanya sa gawi ko.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo at ilang saglit na natahimik. Para bang tinitimbang niya ang isasagot.
"No, thanks, Chance Daniel. Alam kong busy ka," sarcastic pa niyang sagot sabay sulyap kay Miley na nakapulupot pa rin sa aking braso.
Umismid ako at mabilis na iniikot ang aking kamay sa balikat ni Miley.
"Yeah, medyo busy nga. Pero kung gusto mo lang naman, ihahatid na kita. You're my best friend's sister. You're my responsibility, Kirs."
"I am not your responsibility. I was never your responsibility." Mapakla pa siyang ngumiti sabay sulyap kay Zimmer na halinhinan pa kaming tinitingnan. "And, yes, you're not my brother," dugtong pa niya sabay matalim na umirap.
I smirked again.
"Yeah, right, baby girl..." Pinilit kong ikubli ang inis at humugot ng isang malalim na buntong-hininga.
Maybe, it was better this way. Mas mainam na mayroon siyang idine-date na ibang lalaki para na rin mapaling ang atensyon niya sa iba.
Pero kaya ko nga ba? Kakayanin ko nga ba? Ugh fuck, Chance. You need to fvcking make up your mind!
"Chance, honey, we need to go. May klase ka pa, 'di ba? Mayroon na rin akong klase in ten minutes..." nag-aalala pang sabi ni Miley sabay sulyap sa kanyang wrist watch.
"Yeah, right." Tumango ako at muling sumulyap kay Kirsten na matalim pa rin ang titig sa aming dalawa. "We'll go ahead. You take care, baby girl."
Sa halip na sumagot ay isang tipid na tango lang ang isinukli niya sa akin. Mabilis akong tumalikod sabay hila kay Miley palayo.
BINABASA MO ANG
CRAZY IN LOVE
RomanceMga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si Tyrone ay mas pinili nitong balewalain ang nararamdaman at iwasan ang babae. Ibinaling nito ang ting...
