Chapter 48

27.9K 820 22
                                    

Kirsten

My pregnancy definitely gave happiness to my family. Maging si Kuya na sobrang lugmok ay nakuha na ring ngumiti dahil sa balitang iyon. Though, yeah, I could still sense the longing in there. Hindi ko kailanman naisip na ganitong katagal ang aabutin ng pagmu-move on ni Kuya. At gustuhin ko mang magalit kay Ate Jordan ay hindi ko magawa. Mali man ang naging paraan niya para protektahan ang pamilya namin ay napakalaking bagay pa rin niyon sa akin. Alam kong hindi naging madali ang desisyon niyang lumayo sa kapatid ko. She was so in love with him. Naiisip ko pa lang ang hirap na pinagdadaanan niya ay dinudurog na rin ang puso ko para sa kanilang dalawa.

They both deserved a happy ending.

Kung dati ay magaan na ang trabaho ko sa kompanya ni Daddy, mas lalo pa yatang gumaan ngayon dahil sa pagbubuntis ko. Kulang na nga lang ay hindi nila ako pagtrabahuhin.

"Baby Girl..." nakangiting bungad pa ni Chance sa aking opisina.

"Baby Boy..." nakangiting bungad ko rin naman sabay tulak sa swivel chair palayo sa table at sinenyasan siyang lumapit.

"Am I interrupting you?" alanganin pa niyang tanong at nang makalapit ay mabilis siyang yumuko at hinalikan ako sa mga labi.

Dahil sa pagbubuntis ko ay naging mas madalas din ang pagdalaw niya sa akin sa alanganing oras. Talagang nagbibigay siya ng oras sa kabila man ng pagiging sobrang busy ng schedule niya sa kompanya nila.

Nag-iisang tagapagmana si Chance ng mga Ford kaya ganoon na lang din ang pagiging pursigido niya sa trabaho. But he was good at what he does. Para lang din siyang si Kuya na natural na rin yata ang galing sa negosyo.

"Definitely not. What brought you here, huh?"

Saglit niyang tinanggal ang pagkaka-butones ng kanyang coat jacket bago maupo sa table ko.

"How are you feeling? Nahihilo't nagsusuka ka pa rin ba?" Hinaplos niya ang aking pisngi at banayad na pinisil iyon.

Wala ako sa sariling umiling-iling at nakangiting muling inusad ang aking swivel chair palapit sa kanya.

"I'm okay. Hindi ba nga sabi ni doctora, natural lang naman ang ganito sa buntis?"

"I just couldn't help it..."

Alam ko rin namang kahit pa ganoon ay hindi niya maiwasang mag-alala. May mga gabi pa nga siyang hindi makatulog dahil sa biglaang pagsama ng aking pakiramdam.

"Nag-merienda ka na ba?" pag-iiba ko na lang. Ayoko na lang ding mag-aalala pa siya sa akin.

"I had an early meeting kaya tapos na. Ikaw ba? Baka nagpapabaya ka na, a. Do you want anything in particular? I could get you whatever that is."

I didn't doubt that. Lahat nga siguro ay gagawin niya para sa amin ni baby.

Umiling ako at matamis na ngumiti. Walang araw na hindi siya nag-alala sa akin. I am just the luckiest girl alive.

"Ngayon pa ba ako magpabaya kung kailan may baby na sa tiyan ko." Ngumuso ako at manipis na umirap.

"Nagpapaalala lang. Baka sa sobrang seryoso mo sa trabaho makalimutan mong kumain."

"Don't worry about me, okay? I am fine, hmm?" sabi ko pa sabay banayad na tapik sa kanyang pisngi.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at tumangu-tango.

"Okay. Sinabi mo, e. I need to get going, Baby Girl. May naka-sched pa akong meeting sa FH," aniya sabay sulyap sa kanyang relo, "before lunch."

"Okay. Ingat sa pagda-drive, huh?"

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon