Prologue

113 31 21
                                    

Ang babasaging gamit, ay iniingatan at inaalagaan.Ayaw mong magagasgasan, madumihan. Mas lalong ayaw mong magkaroon ng lamat, or worst ayaw mo itong mabasag.

Pag nagkaroon ng lamat ang isang babasaging gamit todo ingat ka na kasi minsan ang lamat na yun ay kumakalat hanggang sa tuluyan ng masira.

Pag nabasag naman, mawawalan na ng halaga, kapag pinulot mo masusugatan ka pa, kahit na ayusin mo siya hindi na ito maibabalik pa sa dating ayos kasi kahit na ayusin mo, makikita mo ang mga lamat na sumira dito.

Ang buhay ko ay parang babasaging gamit, iningatan , inalagaan pero nung nagkaroon ng lamat at tuluyang nasira ay pinabayaan at itinapon na parang walang halaga.

Pinilit kong buoin ang bawat pirasong tinapon kahit na kapag nabuo ko ito ay hindi na tulad ng dati, pero naniniwala akong magiging maayos.

Sabi nila sa bawat gamit na hinahawakan ay dapat lagyan ng TLC TENDER LOVING CARE. Care ang na yan ang naging dahilan kung bakit nabasag ulit ako. Ang care na nauwe sa muli kong pag-ibig sa isang tao, na akala ko ay siya nang bubuo at aayos sakin, pero kung bakit ang binuo ko ay nabasag ulit ng paulit-ulit hanggang sa hindi ko na kayang buoin pa ang sarili ko kasi nasakanya ang bawat piraso ng pagkatao ko kasi hanggang ngayun ay mahal ko pa din siya.




Ps. May mga salitang kailangan ng malawak na pananaw. Baguhan lang po ako dito. Kaya asahan na may mga pagkakamali ako, pero willing akong matuto. Thank you.

MADAMING MALI. PERO HINDI NAMAN LAHAT MALI. I JUST WANT TO REMIND YOU GUYS :) MINSA NAG O-AUTOCORRECT. PLEASE BEAR WITH MY ERRORS.

PS: Ieedit ko naman siya matapos ko lang ito. Love you guys.

Please po, vote niyo po kada chapter. Thank you. And don't forget to comment.

BROKEN GLASSWhere stories live. Discover now