Kabanata 12

44 16 3
                                    

Nagising ako sa ingay ng dalawang boses ng lalaki. Pagdilat ko ay nasa isang kwarto ako na hindi pamilyar sakin.

Nakita ko si zajane na nakaupo sa gilid ko. "Jane?" Tawag ko sakanya.

Tumayo ito. "Buti naman nagising kapa? Akala ko mamamatay dahil nalunod ka sa pagmamahal mo kay john." Masungit na sabi ni zajane.

"Hay" sabi ko sabay buntong hininga. "Hayaan niyo nalang ako pwede. Alam ko naman ang ginagawa ko." Walang ganang sabi ko sakanya.

"Hinahayaan ka nga namin kaya nga naging ganto ka ka-desperada para sakanya, samantalang nasa tabi mo lang naman yung taong totoong nagpapahalaga sayo. Nabubulag ka lang ng pagmamahal mo kay john."

Isinukbit niyo ang slingbag niya. "For the last time angie na sasabihin ko ito, kahit na paulit ulit na naming sinasabi sayo, huwag mong sayangin ang halaga mo at pagmamahal sa isang taong hindi ka mabigyan ng value bilang isang babae at hindi ka kayang mahalin dahil pag-aari na siya ng iba, let go bago ka tuluyang mabasag at hindi na mabuo pang muli."

"Boom! Taray talaga ni riza." Tumatawang sabi ni Gio, na pinagtaka ko kung bakit nandito sila  ni renz.

"Ang lalim pre ng pinaghuhugutan." Si renz nama na nakangiti.

"Mga olol! Hugutin ko mga ulo niyo dyan!" Naiinis na sabi ni zajane.

Nagkatinginan ang dalawa tapos sabay na kinuha ang unan na nasa sofa at itinakip sa maselang parte nila.

"Ito naman si riza, hindi na mabiro. Diba Gio joke lang yun." Sabi ni renz kay gio kaya tumango ito.

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa dalawa na halatang natakot sa sinabi ni zajane, alam nila na tototohanin ni zajane yun. Yun nga lang hindi ko alam kung anong ulo yung sa taas ba o sa baba.

"I have to go, kaya lang naman ako pumunta dito para alamin kung 50/50 kana. " inirapan ako ni zajane tapos umalis na.

Nabuntong hininga nalang ako.

"Maganda at sexy sana yung frend mo angie kaso nakakatakot pala." Sabi ni renz habang ang baba ay hinihimas.

"Tatanggalan niya ng buhay ang ulo namin. Paano na kami magkakalat ng lahi?" Tanong sakin ni renz.

"Arghhh! Malay ko sa inyo, Mga baliw!" Sigaw ko sakanila.Nakakaloka sila.

"Teka nga, nasan ako? Paanong nandito kayo ? At anong oras na?" Sunod-sunod kong tanong saksnilang dalawa.

Tinignan ni gio ang relo niya. "5:25 pm nasa hotel ka pa din ni john at kami ang nagdala sayo dito kasama si riza."

Hindi na ako nagtanong pang muli kung bakit sila nandito s hotel dahil dito sila nakatira kahit na may sriling bahay na sila at yung kay zajne ay dahil diro din ang condo ni ethan. Naalala ko na din nahilo ako kanina at nagkasagutan kami ni angela.

Bumuka ang bibig ko para sana magtanong sakanila, kaso tinikom ko nalang ulit dahil useless naman, hindi niya alam ang nangyare sakin.

" Tara na labas na tayo dito." Tumayo agad ako dahil kailangan kong pumunta sa bahay ni john.

"Bakit? Wala pa yung doktora." Nakasimangot na sabi ni gio.

"Hayaan niyo na yun. Tara na aalis ako." Dinampot ko na yung sling bag ko.

"Wait lang!"pigil sakin ni Gio.

"Bakit ba?" Naiinis na tanong ko.

"Angie, hintayin na natin, type kasi ni parang gio yung doktora." Sabi ni renz kaya napairap ako.

BROKEN GLASSWhere stories live. Discover now