Nagising ako sa ring tone ng cellphone ko. Kaya sinagot ko.
"Where are you?" Boses ni john.
Kaya tinignan ko yung caller. And shookt si john nga.
"Ah, eh. Nasa bahay pa ako." Alanganin kong sabi. Lagot ako nito, naatulog pala ako eh may date kami.
"Bilisan mo na. Pupunta na ako."
"Teka-" binabaan ako ng telepono.
Kaya nagmadali akong kumilos sa pagligo at paghahanap ng damit dahil pagagalitan ako ng lalaking yun.
Nang matapos ako ay nag pa book na agad agad. Wala pang limang minuto ay nakarating na ang grab.
Kakaupo ko pa lang ng tunawag si john.
"Opo, on my way na po." Pinalambing ko ang boses ko.
"Okay. Take care."
Napangiti ako dahil nag-aalala na naman siya sakin. Pagdating ko sa restaurant na paborito namin ay agad na may sumalubong sakin na waiter.
"Miss, angielyn?" Tanung ng waiter.
Ngumiti ako. "Yes."
"This way po ma'am. Kanina ka pa po nila hinihintay." Sabi nung waiter kaya napahinto ako.
"Umm, excuse you mean you said nila. So madami sila.?" Takang tanung ko sa waiter.
"Yes ma'am. Kasama mo ni sir yung fiance niya po. Si miss angela and their friends."
Nawala ang ngiti ko sa narinig ko. I was wrong again. I assume again. This isn't a date.
Huminto kami sa isang pintuan. "Sige po ma'am , nasa loob po sila." Pagpapaalam nung waiter.
Bago ko pinihit ang door knob ay huminga ako ng malalim. Pagbukas ko agad kong nakita ay si steve.
"Steve?" Bulalas ko dahil sa gulat ko.
"Hello, princess. Did you miss me?" Tanung nito na lumalapit sakin. Hindi pa din kasi ako makagalaw dahil sa gulat ko na nandito siya.
"I miss you so much." Yakap ko sakanya ng makalapit na siya.
He hugged me too. "I miss you too. Princess."
"Ah guys! Yohoo! Were singles just want to inform you."
Napahiwalay ako kay steve dahil sa nagsalita. Pag tingin ko kung sino yung nagsalita ay si Lucy pala kaya napangiti ako.
Tabi kami ng upuan ni steve katapat ko si john. Ngumiti ako sakanila.
"Sorry. Sobrang late ko. Nakatulog kasi ako." Paghingi ko ng paunmanhin.
"Its okay. But next time be professional hindi kasi tama na client mo pa ang naghihintay sayo." Angela said to me with a devious grin.
May nagbago ang pakikitungo sakin ni angela. She isn't nice to me but this time obvious na. Pabalang na rin siyang magsalita sakin.
"Its not her fault." Sagot ni john habang naka tingin sakin.
Kaya napaiwas ako ng tingin. Baliw ba siya, nasa tabi niya lang si angela.
"Then kanino kung hindi siya." Sabat naman ni gacy. Na tumingin kay john tapos sakin.
"Mine. " sagot ni steve kaya napatingin ako sakanya.
Kinurot ko ang braso ni steve"Im really sorry hindi na mauulit." Paghingi ko ulit ng tawad.
"Pwede ba, quit this nonsense talked. Okay lang naman na late siya kasi may hinihintay kapa angela.",mataray na sabi ni Marian kay angela.
"Oh! Yes. Nandyan na sila." Sumaya ang mukha ni angela at tumayo ito kasama si gacy. Siguro para salubungin ang inimbitahan niya pa.