Kabanata 40

10 3 0
                                    



..Sana panaginip nalang lahat. Isang bangungot na hindi maaaring mangyare. Sana lahat ay makalimutan ko pagdilat ko.

Sana.... Sana... Talaga...

Pero hindi lahat ng hiling at sana ay matutupad. Dahil ngayon nakadilat na ako ay ramdam ko pa din ang sakit, hapdi ng mga narinig at napanood ko. Sana meron nalang akong selective memory disorder, na kung anong gusto kong maalala ay maalala ko at yung gusto kong kalimutan ay makakalimutan ko.
Edi sana ngayon hindi ganto kasakit ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog dahil ang alam ko ay magdamag akong umiiyak, sinubukan ko ding tawagan si john pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ko.

Ayuko pa sanang bumangon pero naririnig ko ang mga nanay ko na magagalit sa kung sinoman ang kausap nila sa baba. Grabe ang pamamaga ng aking mga mata parang kinagat ng ipis.

Nabaling ang atensyon ko sa singsing. Hinubad ko ito kagabi dahil sa sakit at galit ko kay john.

Marriage is not just an ordinary contract that bind the two people loving each other, its a word. A magical word that makes the lives of two people colorful, happy and magical at it seems.

But its not like that, its not what we think like a fairytale. Being married is like a glass that needs to handle with care, dahil pag nagkaroon ng gasgas ito ay magtutuloy-tuloy hanggang sa magkaroon ng lamat na mauuwe sa pagkabasag at pagsinubukang ayusin ay magsusugatan ka.

Kaya bago pa mauwe sa lahat ang ganun ay aayusin ko na. Pero paano ko aayusin ang isang bagay na parang ito na ang sumisira.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Nanlalalim at magang maga ang aking.

Huminga ako ng malalim. "Whoahhh! Stop crying angie, baka maubusan ka ng tubig sa katawan." Sambit ko sa sarili kong repleksyon.

Ako nga ba to? Hinaplos ko ang salamin.

"Will you ever change? Or Will you evergone, cause i hate seeing you."

Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa upuan at itinabing sa salamin. Ayuko talagang humaharap sa salamin dahil ayukong makita ang multo ng nakaraan na matagal ko ng pilit kinakalimutan.

Kinuha ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si john. Pero cannot be reached. Kaya tinawag ko amg secretary nitong si Michael.

Unang ring palang ay sinagot na agad.

"Hi goodmorning, Sexcluded hotel, can I help you?"

"Nasan si john." deretsahan kong tanong.

"Ma'am angie!" parang gulat na sambit nito. "Goodmorning po."

"Goodmorning, pero nasan si john." tanongko ulit

"Michael, can you bring us coffee now. Hindi pa kami nakapag breakfast kanina sa bahay namin."

Natigilan ako sa narinig ko. It was Angela's voice. Napikit ako dahil kumirot na naman ang puso ko.

"Sige na michael I already know ehere he is and i think he's fine. Dont bother to tell him that i call okay. I have to go bye." i end-up the call.

Kahit gusto kong sumigaw sa galit! Init! Ay hindi mo magawa dahil alam kong may mag-aalala, kaya minabuti ko nalang na bumama para tignan kung sino yung kausap nila nanay at para ma divert ang isipan ko sa ibang bagay.

Pagbaba ko ay nakita ko ang isang lalaking nakaupo at hawak hawak ang photo album ko. Agad akong lumapit dito para kunin ang photo album ko.

Sila nanay nga nagpapaalam sakin bago tignan iyon dahil ayukong may makakita ng mga yun, tapos siya na hindi ko kilala ay haaak hawak iyo. Mabilis kong hinablot ang photo album ko. Handa na akong singhalan ang lalaking ito ng makita ko ang itsura ay nawala ang galit ko.

BROKEN GLASSWhere stories live. Discover now