Hinawi ni nanay mila si john at niyakap ako.
"Kamusta kana? May masakit ba sayo? Pinag-alala mo kami nang sobra." Alalang-alala ito ang mukha at boses ni nanay mila.
"Nay ano bang meron?" Tanong ko. Dahil sa naging reaksyon nito.
"Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?" Tanong ni nanay.
"Oo nasa ospital ako."
"Ano ang huling naalala mo bago ka mapunta dito?"
Kahit nagtataka , e sinagot ko.pa din si nanay Mila. "Kagabi lang nagkasagutan kami nila papa and pinapalayas niya ako sa bahay ni mama."
Umiling si nanay Mila. Nakaramdam ako ng takot at kaba. "Nanay ano bang nangyare ? Yung baby ko? Nandito pa ba?" Itinuro ko yung tiyan ko. "Nandito pa ba siya? Buhay pa ba? Nanay sagutin mo kasi sobrang natatakot na ako!" I raised my voice because of frustration i feel.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyareng masama sa anak ko, hinding hindi ko mapapatwad ang sarili ko kapag may nangyareng masama sa anak.
"Shhhhh, anak tahan na. Tahan na. Walang nangyare sa anak mo. Okay siya. Kaya tahan na." Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin ni nanay ang salitang okay ang anak ko.
"Walang masamang nangyare sakanya pero the next time na maulit ang nangyare baka mawala ang anak mo, baka pati ikaw ganun din." Malungkot na sambit ni nanay.
Nung sinabi ni nanay na okay lang ang baby ko soba yung relief na naramdaman ko.
"Alam mo bang 1 week kang tulog."
"One week!" Gulat kong sambit.
Tumango si nanay. "Oo one week. Tapos yung one week na yun wala kang pulso, walang nadedetect yung mga doctor na heartbeat sayo. Akala kami wala na. Akala namin mamatay kana." Umiiyak na naman si nanay mila habang nagkwekwento.
"Nung gabing nahimatay ka sobrang takot kami ni Cora sumigaw kami kaso walang tumutulong,buti nalang dumating si john." Makahulugan akong tinignan ni nanay Mila pagkabanggit niya ng pangalan ni john. "
"Sobrang natakot kami, hindi namin alam ang gagawin nawawalan na kami nang pag-asa nung pang-apat na ako dito wala pa ding nangyayare mas humihina yung pulso mo. Akala namin yung makina nalang yung bumubuhay sayo. Lahat kami nawalan nang pag-asa, pero si john hindi siya umalis sa tabi mo, Hindi siya nawala nang pag-asang mabubuhay ka. At ito totoo nga, nabuhay kayo, nang baby mo." Pati ako napaiyak sa sinabi ni nanay Mila.
Si john, si john ang taong mahal ko ang kaisa-isahang naniwalang mabubuhay ako ang kaisa-isahang naniniwalang buhay ako at ang taong hindi ako iniwan at patuloy na naniniwala sakin.
"Thank you nanay.thank you." Niyakap ko si nanay Mila.
"Anak, alam mo ba nung gabing dinala ka namin dito siya ang kasama namin, hndi ka niya binibitawan, sobrang higpit nang hawak niya sa kamay mo. Paulit-ulit niyang binubulong sayo na mahal ka niya, huwag kang mawawala. Hindi ka niya binibitawan nagpumulit pa siyang sumama sa loob ng OR, kung hindi dahil sa mga kaibigan niya baka kasama pa din si john sa loob ng OR, nagwala si John kaya kinailangang palabasin ng ospital para mahismamsan. Nang maging kalmado ito ay binabatayan ka niya, hindi siya umalis sa tabi mo.
"Mahal na mahal ka ng batang yun, kumpara sa nauna mong kasintahan mas masasabi kong malalim ang pagmamahal sayo ni john at tunay na tunay handa na siyang talikuran ang lahat para sayo." Tumayo si nanay Mila.
"Tatawagin ko muna sila ipamamalita kong gising kana panigurado sobra silang matutuwa." Ngumiti ito sakin.
" Hindi ka niya iniwan kaya huwag mo siyang tatalikuran at naipaliwanag na niya samin ang lahat ng nangyare. Naiintindihan ko siya sumugod siya sa isang laban na ang sandata lang ay ang pag-ibig niya sayo kaya ginawa niya yun para iligtas ka sa maaaring panganib na kaharapin mo."