"Papa, I got 100. Looked." Ipinakita ko sakanya yung score ko sa exam.
"Good."tipid na sagot ni papa na hindi manlang tinignan yung exam ko
"Daddy!" Sigaw ng kapatid kong si Andrea. Tinignan naman agad siya ni papa "im sorry daddy kasi hindi ko na perfect yung exam ko." Malungkot na sabi ni Andrea
"Its okay princess,you still great to me." Kinandong ni papa si andrea at hinalikan sa noo.
Laging ganun si papa, na parang ako hindi niya na-aappreciate samantalang ako ang tunay na anak niya sa mama ko. Si Andrea ay anak ni tita Ferlyn bagong asawa ng papa ko kahit na buhay pa ang mama ko.
"Yaya perla, pwede ko po bang puntahan si mama." tanung ko sa yaya ko.
"Okay lang naman basta wag ka lang magtagal dun dahil baka pagalitan ka na naman ni Ma'am ferlyn at ng papa mo." Tumango ako kay yaya.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni mama dahil miss ko na siya, hindi na ako kumatok at basta nalang pumasok ,kaya lang nakita kong sinasaktan ni tita ferlyn ang mama ko.
"Mama!" Sigaw ko at lumapit sakanila. "Tama na po, tama na po." Umiiyak ma sambit ko kay tita ferlyn.
"Alis!" Tinulak ako ni tita ferlyn kaya nasubsub ako sa sahig.