Kabanata 36

16 5 0
                                    

Umiyak ako ng umiyak dahil sa nakita ko, hindi lang isa ang nakita kundi tatlo. Galit ako, galit na galit. Gusto kong sugurin ang bruhang si Angela at kalbuhin, tanggalin ang buhok sa lahat ng parte ng katawan nito!

Gusto kong sapakin si john dahil sa kagaguhan niya. Pinakalma ko ang sarili ko. Pero hindi talaga nawala ang galit ko, nakikipag landian siya, kaya ko din yun, kaya ko ding makipag landian, makipaghalikan. Kaya ko nga ba? Ah bahala na, basta gaganti ako.

Naghahanap ako ng damit na pwede kong isuot nang may kumatok, hindi na akong nag-abalang pagbuksan kung sino man yun dahil baka sila Claire lang yan.

"Anong ginagawa mo?"

See tama ako, isa sakanila and its dianne.

"Naghahanap pang malanding damit." Sagot ko.

"Huh?" Sambit ni dianne.

"Lalandi ako. Kung kaya niya, kaya ko din. Nakakasawang ako palagi ang nasasaktan tapos wala akong gagawin. Gaganti ako sa ginawa niya." Galit pa din ako lalo lang nag-apoy ang galit ko dahil naalala ko si Angela na nakahubad.

"Sino kaaway mo?" Tanong ni dianne.

"Si John."

"Oh, Anong nangyare?" Niyakap ako ni dianne. Umiling lang ako. Nainis lang ako dahil sa tuwing naaalala ko kumikirot ang puso ko. Gusto ko talagang sumigaw at manapak ang sakit pero wala akong magawa.

"Ange, ano bang ginawa mo john?" Tanong ulit ni dianne pero umiling lang ulit ako.

"Don't mind me." Sabi ko at bumalik sa paghahanap ng damit.

"Ito oh, inumin mo.muna." inabot sakin ni dianne ang isang basong tubig. Pagka-ubos ko ay pinapupo ako ni dianne.

"Okay ka lang ba?" Tanong nito.

"Oo, pero ngayon, inaantok na ako. Sigurodahi s kakaiyak ko kaya ganto yung mata ko.." Ipinikit ko ang mata dahil Antok na antok na ako, masaya nalang ako maghihiganti pagkagising ko.

"Bilisan niyo nga."

"Kung ikaw kaya ang gumawa kung makapagmadali ka akala mo ganun ganun lang yun"

huh? Ano bang meron at ang ingay nila tapos sa mukha ko parang may pinapahid, may kung anong malambot na bagay ang dumadampi sa buong mukha ko.

"Hubaran niyo na yan dali." Nagulat ako sa sinabi ni Abby, oo boses niya yun hindi ako magkakamali.

"Madali lang yan, ako na ang gagawa." Si dianne. Napuno ng kaba ang dibdib ko dahil kahit babae si dianne eh kung manyak kakabahan ka! Sobrang manyak ng babaeng to! Kaya dumilat ako.

"Don't dare dianne." Madiing bigkas ko. Natigilan sila kahit ang isang babaeng nasa tabi at may hawak ng brush.

"Bakit gising kana?" Gulat na tanong ni Claire na may hawak na isang dilaw na dress.

"Eh ang ingay niyo." Sagot ko.

"Teka anong meron and ano yang hawak mo?" Tanong ko at umaayos na ng upo. Maliban kila Abby,dianne, and Claire ay may ibang tao.

"Okay na din na gising siya para mas maayos ang make-up." Sabi ng babaeng nasa tabi ko na may hawak ng brush.

"OK team, double time!" Sigaw nito na agad nagsilapitan ang ibang kabaklaan. Lima kasing bakla ang lumapit sakin. Hinatak nila ako patayo at pinaupo sa harapan ng salamin.

"Anong nangyayare?" Takang tanong ko dahil sa itsura ko, may make up ako. Pano nangyare yun eh kanina nung natu- - naputol ang pag-iisip ko dahil nagsalita ang baklang nasa gilid ko.

BROKEN GLASSWhere stories live. Discover now