Pakiramdam ko, ilang taon akong nawala pero wala pa palang isang buwan nung umalis ako.
"Oh my gosh !"
Napalingon ako sa eksahiradang sumigaw. Naluluhang naka tingin sakin si Mary. "I miss you."
Naglakad si Mary palapit sakin at binatukan ako . "Langya ka! Pinag-alala mo kami ng sobra."
"Aray naman! Ramdam ko na miss na miss niyo ako." Reklamo ko kasi kung makahampas akala mo hindi masakit.
"Sorry, ikaw naman kasi bigla bigla ka nalang umalis na walang paalam."
"Hindi naman ako nagtagal."
"Kahit na! Hindi mo alam ang mga nangyare dahil sa umalis ka."
Naglakad ito papasok sa flowershop. "Ano bang nangyare?" Tanong ko nung nakapasok na kami sa loob.
Nagulat ang iba kubg staff pagkakita sakin. Kinamusta nila ako, nagtanong kung anong nangyare. Sagot ko lang naman sakanila nagpahinga lang ako na totoo naman. Pagpasok namin sa loob ng office gamit agad ni Steve ang bumungad sakin sa loob.
"Bakit may gamit dito si steve?" Tanong ko.
"Dito siya natutulog." Sagot ni Mary.
Tinignan ko si Mary naghihintay ng idudugtong pa nito. "What! Dito siya natutulog.""Alam ko, sinabi mo na pero bakit dito siya natutulog?"
Umupo ito sa sofa. Ako naman ay pinulot ang gamit ni Steve na nagkalat sa sahig. Pag nakita ko yun kukutungan ko talaga.
"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" Sambit ko kay Mary na hawak ang favorite T-shirt ni Steve ang batman shirt.
"Hinihintay ka niya." Mahinang sagot sakin ni Mary.
"Hindi ko naman sinabing hintayin niya ako. Tatamaan talaga yung lalaki na yun sakin." Sambit ko at umupo ako sa tabi ni Mary.
"Alam mo bang nung gabing umalis, pumunta siya sa bahay sa sobrang pag-aalala sayo. Hindi siya mapakali hindi matahimik, isip siya ng isip dahil baka daw na panu kana. Buong magdamag siya gising at naghahanap sayo. Pinuntahan niya ang mga possible na place na pwede mong puntahan." Malungkot na tumingin sakin si Mary na parang nasasaktan sa mga kinukwento.
I remained quite.
"Kung hindi pa dahil sa mga kaibigan niya baka ngayon nasa ospital pa si Steve."
Nagulat ako sa sinabi ni Mary. "Anong ibig mong sabihin?"
"Tatlong araw siyang walang tulog at hindi kumakain dahil hindi siya tumitigil sa kakahanap sayo." Limuha si Mary pero pinunasan niya din agad.
"He keeps on telling about you, he keeps on saying that he cares for you. Everything is about you kahit na my sakit na siya ikaw pa din ang inaalala niya." Umiiyak si Mary.
Nasasaktan ako dahil sa nangyare at ginawa ni Steve but hindi ko sinabi na maging ganun siya, hindi ko sinabing gawin niya yun. At hindi ko ginusto pakiramdam ko ako hg sinsisi ni mary.
"Im sorry to hear bout that,but Mary are you blaming me?" Tanong ko.
Hindi ako sinagot ni mary dahil umiiyak ito. "Mary kung sinisisi mo ako, sorry pero wala akong kasalanan. Walang kahit sino na may gustong mangyare ang ganun. At ako? Hinding hindi ko nanaising nangyare yun kay Steve. Pero wag kang mag-alala kakausapin ko siya."
Tumayo ako. "May tanong ako. "
Nanatiling nakayuko si mary habang umiiyak. "Bakit ka umiiyak? Bakit ka nasasaktan? Hindi kayo magkakilala ni Steve pero kung iyakan mo siya ganun ganun nalang. "