Kabanata 5

53 19 32
                                    


Angielyn's POV

"Hey, look at me." Hinawakan ni Steve ang kamay ko.

"Im scared Steve. Im scared." Napaiyak na naman ako.

"Shhhh, hey stop crying princess. Hindi ka na nila masasaktan. Nandito ako hindi kita iiwan. Promise yan." Steve hugged me.

"Promise mo. Hindi ka aalis sa tabi ko steve." Niyakap ko si steve dahil sa takot na nararamdaman ko ngayun.

Nagpatingin na ako sa isang psychiatrist pero pagkatapos ng isang linggo session hindi na ako bumalik dahil natatakot ako sa kada session namin palaging ipinapa-alala sakin ang mga nangyare noon.

Ang natatandaan ko lang sabi sakin kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko. Pero ngayun nandito na sila natatakot ako.

"Shhh, stop crying princess please. Kailangan mo na silang harapin. Hindi kita iiwan promise."

Tumango ako at pinaandar na ulit ni Steve ni ang kotse niya. Hindi ko namalayan na igilid pala ni steve ang kotse niya. Sa buong byhae namin tahimik ako, pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong inaalala ang mukha ng mama ko, hindi din binitawan ni steve ang kamay hanggang sa makarating kami sa flowershop ko.

"You ready." Steve asked me.

Huminga ako ng malalim. "Basta wag mo kong iiwan."

"I'll never leave you princess." Hinalikan ni Steve ang noo ko. "Tara na." Tumango ako sakanya at sabay kaming lumabas ng kotse.

Pagpasok namin sa loob ni Steve sumalubong sakin si Mary na nag-aalala.

"Anung ginagawa mo dito!" Tanung ni Mary na halata ang pag-aalala sakin. "Bakit mo siya dinala dito. Kaya nga ikaw ang tinawagan ko para hindi niya na malaman tapos isinama mo siya!" Tumaas ang boses ni Mary habang kinakausap si Steve.

Hindi ako umiimik, hawak pa din ni steve ang kamay ko. Pag tingin ni Mary sa kamay naming magkahawak nakita kong may dumaang sakit sa mga mata nito. Hindi ko alam kung dahil sa pagkakita niya ng mga kamay namin ni steve na magkahawak.

"Alam ko ang ginagawa ko, kaya stop worrying." Kalmadong sabi ni steve kay mary.

"Anu ba! Wala pa ba ang babaeng yun!" Napatalon ako sa sigaw ni tita ferlyn pag labas nito ng office.

Napatago ako sa likod ni steve.

"Oh! Nandito kana pala." Narinig kong sabi ni tita ferlyn.

Naririnig ko ang tunog ng takong niya na papalapit sakin.

"St-steve a-alis na ta-yo dito." Bulong kay steve. Naiiyak na naman ako.

"Ah ma'am doon nalang po tayo sa office ni ma'am angielyn." Narinig kong sabi ni Mary.

"No!" Sigaw ulit ni tita ferlyn na siyang nagpaiyak sakin ng tuluyan.

Humarap sakin si steve at niyakap ako. "Don't make her see how scared you are to them. Hindi kita iiwan nandito ako, hindi ka nila masasaktan" bulong sakin ni Steve.

Huminga ako ng malalim, pinunasan ang mga luhang pumatak saking pisngi. "Okay."

Humarap na ulit kami kay tita ferlyn.

"Oh! Why are you crying angie" lalapit na sana sakin si tita ferlyn ng magsalita si steve.

"Huwag ka ng lumapit."banta nito kay tita ferlyn.

"Oppps! Okay."huminto si tita ferlyn.

"Mommy! Nagugutom na ako." Lumabas si Andrea mula sa office.
"Ows nandito na pala yung kapatid ko. Hi sister!" Bati nito sakin lalapit din sana siya kaso pinigilan siya ni tita ferlyn.

BROKEN GLASSWhere stories live. Discover now