Totoo pala ang sinabi ni dianne na masarap sa pakiramdam ang pag masdan ang kalangitan lalo na pag gabi, si dianne kasi ang gustong gustong pagmasadan ang buwan at bituin. Ngayon ko lang na pagmasdan ang bituin at buwan, nakakagaan sa pakiramdam, kahit papano naibsan ang longing ko sa mga taong namimiss ko.
"Princess, hindi kapa ba babalik?" Tanong ni nanay Cora sakin.
"Ah, pinag-iisipan ko pa po. Kung may babalikan pa ako dun." Mapait akong ngumiti.
"Itong batang to, masyado kang nag-iisip." Hinimas ni many Cora ang aking likod.
Ilang araw na akong hindi umuuwe at nagpapakita sakanila, siguro mag-iisang buwan na o wala pa.
Im sure I do not cross at his mind so much anymore kahit na sinabi niyang ayaw na niya akong mawala ulit, pero iba naman ang ipinapakita niya.
I hope someday he will see something that reminds him of me and the things we use to spend hours talking about nonsense thing, laughing at nonsense joke until our throat ran out dry. His heart skips a beat for me and i wish he finally miss me back the way I miss him, the way we kiss each other passionately and how I treasured him so much.
"Binuksan ko ang cellphone mo." Sabi ni nanay cora. Pero wala akong reaksyon. Nanatili akong nakatanaw sa malawak na lupain nila.
"Ang daming nag-aalala sayo, ang daming umiiyak para sayo , ang daming nagmamahal sayo lalo na siya."
Napatingin ako kay nanay Cora. Naluluha na naman ang mga mata ko. "Masaya ako na nag-aalala sila sakin pero nanay ang sinabi mong pati siya nagmamahal sakin ay mahirap paniwalaan, pwede pa yung nag-aalala pero ang mahalin ako ay isang suntok sa buwan."
"Akala ko ba ramdam mo na mahal ka din niya, kaya ka kumakapit at lumalaban." Hinawakan ni nanay Cora ang kamay ko.
"Na realize ko nanay na mahirap palang paniwalaan ang bagay na binabase mo lang sa pakiramdam kasi malaking porsyento ang posibilidad na mali ka at ikaw ay nag-aasume lang. Maraming nasasaktan dahil nagbase sila sa kanilang pakiramdam o dahil sa ramdam nilang mahal din sila ng taong mahal nila, pero it turns out na wala naman pala itong nararamdaman sa sakanila." Hinayaan kong umagos muli ang luha ko, dahil nasasaktan ako. Pero sana matapos na ang pag-iyak ko ng dahil sakanya.
Niyakap ako ni nanay Cora. "Anak, minsan kailangan natin ng pakiramdam dahil doon natin binabase ang pakikitungo natin sa tao, doon tayo humuhugot ng emosyon na ipinapakita natin. Pero anak kung ramdam ko, yun ang paniwalaan mo kahit na hindi mo pa naririnig ang katotohan mula sa taong mahal mo. Ikaw pa din ang mag dedesisyon kung maniniwala ka ba o babalewalain mo nalang ang pakiramadam mo."
Tumayo si nanay Cora. "Pero sa ngayon anak, isipin mo ang anak mo. Basta pag hindi mo na kaya, nandito lang kami para sayo. Lalo na ako hihiintayin kita. " tumango ako kay nanay Cora. Nang humiwalay ng pagkakayakap sakin si nanay Cora. "Pero sana sa pagbalik mo, ay nakangiti kitang makikita."
"Sana nga po." Ngumiti ako kay nanay.
"Ito, magagamit mo ito. " inabot sakin ni nanay ang Cora ang cellphone ko na nung dumating ako dito sa cebu ay hindi ko na binuksan. "Yan muna ang una mong gawin, ang kausapin sila at ipaalam ang kalagayan mo." Sambit ni nanay at pumasok na sa loob.
Sa pagpunta ko dito ay tinulungan ako ni nanay Cora na labanan at harapin ang mga pangyayare sa nakaraan, kinuhaan niya ako ng psychologist.
Sa una mahirap kasi hindi ako nakakatulog sa gabi na masama para sa anak ko, na parang bawat kilos ko parang nandun ang nga taong kinatatakutan ko, na parang palagi akong sasaktan ng mga taong nasa paligid ko. Pero ngayon masasabi ko na kaya ko na at okay na ako. Ang mga pasa ko din ay magaling na. Sana pati ang sugatan kong puso maghilom na din.