Kabanata 16

22 14 5
                                    

"Ayan! Ang ganda ganda mo talaga." Masayang sabi ni jhana.

Na sinabayan naman nila Claire at abby.

"Oo nga. Panigurado di kana iiwan ni john.!" Siguro na realized ni Claire ang sinabi niya kaya napatakip ito ng bunganga.

"Ayan! Ang daldal kasi." Mataray na sabi ni bakla.

"Sorry gie! Nagandahan lang talaga ako." Nakangiting sabi ni Claire.

"Its okay." Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na ako to. Masasabi kong maganda talaga ako ngayun.

"Gie, happy birthday. But pwede huwag nalang." Malungkot na sabi ni abby. "Gie, malaking gulo to."

Ngumiti ako kay Abby, pagkauwe namin nila Claire ay sinabihan ko silang huwag ipa-alam kila Abby ang kalagayan ko.

"Abby, don't waste your time talking to her. Its useless. Bobo na yang kaibigan mo." Galit na sabi ni zajane

"Jane! Tama na.Hayaan na natin siya." Makungkot na ngumiti sakin si dianne.

"Jane, tama na. Its her decision. Tapos na tayong magsabi sakanya. Kaya tama na." Sabat naman ni che.

"Yan! Ganyan kayo! Kaya yang kaibigan niyo ay isang  bobo! Tanga!Martir at kabit! " sigaw ni zajane.

Nasaktan ako sa mga sinabi nila lalo ni zajane.

"Stop! Tumigil na kayo. Zajane, watch your word." Pigil ni abby kay zajane "Tara na aalis na tayo. Zajane tara na." Pag-aaya ni abby dahil masama pa din ang tingin sakin ni zajane.

Naunang umalis si zajane sumunod sila che na hindi manlang ako tinignan, ganun din si dianne.

"Gie, happy birthday uli. Alam mo we organized a birthday party para sayo but i guess hindi ka na pupunta. I hope you made a right decision. Please understand us lalo na si zajane" Abby kiss me and left.

Ang naiwan ay sila Claire and jhana na tahimik.

Simula nung malaman nila na may nagaganap samin ni john ay naging ganyan na sila sakin. Lalo na nung nahuli nila kami. Grabe yung galit nila sakin especially zajane and abby.

Alam kong mali pero hindi ko kayang iwan si john, hindi ko kayang hiwalayan siya kahit na alam kong ikakasal na siya. Kaya din hindi ko siya magawang hiwalayam dahil Im pregnant na hindi ko pa nasasabi kay john. Hinihintay ko ang araw kung kelan niya masasabi sakin ang mga salitang pangarap kong marinig mula sakanya tutal sabi niya bigyan ko lang siya ng kunting oras to sort his feelings and to hear na ayaw niya akong mawala sakanya, ay masaya na ako.

"Gie, ready kana ba? Kailangan mo ng umalis baka malate ka." Nakangiting sabi ni Claire.

"Oo nga. Ihahatid kana ni Claire. Diba?" Naka tingin si jhana kay Claire na nakakunot ang noo.

"Huy! Kapal sabi mo tayong dalawa. Porket nagtext lang yung bago mo di kana sasama." Reklamo ni Claire.

"Tse! Arti nito. Oo na dalawa na tayo. Tumayo kana diyan madam." Maarteng sabi ni jhana.

Natawa ako sa dalawang to, kahit na alam kong hindi nila gusto ang gagawin ko nandito pa din sila. Sila kasi ang tinext ni john na maghahatid sakin .

I am wearing a longsleeve white dress na may mahabang slits sa gilid . Natuwa ako dahil hinanapan talaga nila ako ng damit naatatakpan ang pasa at kalmot ko  tapos nagawa nilang takpan ang pasa ko sa mukha. Tapos ang buhok ko ay inayos ni Claire nang  naka-braid pero parang nakamessy na lalong nagpaganda sakin. Magsakit pa din ang katawan ko pero okay lang basta makita ko si john masaya na ako.

BROKEN GLASSWhere stories live. Discover now