Kabanata 15

32 16 7
                                    

Bago muna ang lahat, pa istorbo. angielyn_rivera  Happy Happy birthday sa kaibigan kong si ANGIELYN TAYTAYON. Magpapakain na po siya mga tropapits na wattpader hahahahahaha, char lang angie :) happy b-day, makakakita ka din ng taong para sayo kaya yaan mo na si jerold, pagnakita yun ni zajane bubugbugin niya yun!! ;)


Angielyn's POV

Napangiti ako ng malungkot dahil sa bahay ako ni mama dinala ni papa.
Naiwan akong naka tayo sa labas ng bahay, habang sila papa ay nauna ng pumasok. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko, sa takot na maaari kong maramdaman pagpasok sa bahay.

Pero kailangan kong harapin ang takot, tutal ginusto ko naman to. Pero sana naman maintindihan nila ako.

Pagpasok ko sa loob, sampal agad ang inabot ko kay papa.

"Nagmana ka talaga sa mama mo!" Sigaw nito sakin. "Kahihiyan ka sa pamilyang ito! Kahihiyan ka sakin!"

"Hon, calm down." Sabi ni tita ferlyn at lumapit kay papa pero hindi siya nito pinansin.

"Ganyan ba ang tinuro ko sayo! Kung yan ang natutunan mo sa mama mong ahas! Sa mama mong mukang pera! Sa mama mong kabit tulad mo!"

"Hindi papa, hindi ganun si mama. Paano nagagawang pagsalitaan ng ganun ang mama ko samantalang pinakasalan mo siya. Ang mama ko ang pinaka mabuting taong nakilala ko, ang mama ko ang taong minahal ka kahit na pinamuka mo sakanyang basura siya. At ipapa-alala ko lang papa, wala kang tinuro sakin dahil lahat ng pinaranas mo sakin mula noon hanggang ngayon ay puro sakit at pasakit, lahat ng ginawa mo ay naging sugat na naka-ukit sa buong katawan ko pati sa puso ko." Lakas loob kong sabi kay papa.

"Paano mo nagagawang pagsalitaan ang taong minahal ka ng sobra kahit na hindi ka naman karapat-dapat mahalin dahil tulad ka lang ng asawa mong demonyo." Kahit alam kong masasaktan si papa sa mga sasabihin ko ay kailangan kong mailabas ito. "Masama ba ang magmahal papa? Diba ikaw rin naman, napunta sa gantong sitwasyon? Diba ikaw rin naman minahal mo ang nama ko kahit nakalaan na siya para sa iba? "

Natigilan si papa, nakita ko ang pagdaan ngkung anong emosyon sa mata niya maliban sa galit.

"Masama ba ako?o mas masama ka? Kasi ako papa wala akong pinilit, wala akong biniling tao para mapasakin ang minamahal ko, hindi ko pinilit si john na maging ganto kami, oo mali na pumayag ako. Pero kasi papa mahirap bitawan ang bagay na pinapahalagan mo at minamahal mo kung alam mo naman na pagmamay-ari mo na siya simula nung iwan siya ng unang nagmaya-ari sakanya at hayaan na siyang mag-isa sa mundong to. Kaya ako na kumuha sakanya at nagawang mahalin siya ay hirap na bitawan at ibigay siya sa naunang nagmay-ari sakanya kung mismong ang bagay na yun ang muling lumapit sakanya."

BROKEN GLASSWhere stories live. Discover now