"Hindi mo maitatago yang tiyan mo. Lumalaki na yan."
Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi ni nanay cora.
Tama naman siya, hindi ko na ito matatago sa pagsusuot ng malalaking damit pero kasi sobrang gulo namin ngayon.
"Hindi ko pa alam nanay" hindi ko pa alam kung dapat ko ba talagang sabihin.
"Hindi ka pa ba susunduin ng asawa mo?" tanong sakin ni nanay mila.
"Busy po kasi yun sa kompanya nila, kaya baka may commute nalang po ako." ngumiti ako kay nanay mila na may mukhang pagdududa.
Si nanay mila ang pinaka magaling kumilatus ng isang tao kaya sakanya ako nag-iingat.
"Ihahatid ka namin."
"Ah nanay, wag na po. Nagtext naman na ako kay Steve, baka kapag maluwag ang sched niya siya na ang susundo sakin."
"Oh sige, basta kailangab dito ka sunduin ah. Para alam namin." nag-aalala sakin ang mga nanay
"Pumasok kana sa loob at mahamog na."
"Mga nanay, papasok po ako pero mamaya na. Mauna na po kayo sa loob." ngumiti ako para maibsan ang pag-aalala nila.
"Sige, basta huwag kang masyadong tumambay diyan." tumango ako sakanila.
Nang makapasok sila nanay sa oob tyaka ako nakahinga ng maluwag.
We've been married for more than one month and that one month was not that easy. Bilang lang sa daliri ko ang sayang naranasan namin the rest is a nightmares.
"Were are we going?" tanong ko sakanya dahil nagising ako sa ingay ng mga kaibigan namin.
"were going home." tipid nitong sagot
"ah." tangi kong nasabi. Sabi niya kasi isang linggo kami dito pero apat na araw palang heto uuwe na kami.
Sa apat na araw na yun hati pa ang oras niya para sa akin at kay angela.
Ayuko mang aminin pero nasasaktan ako dahil parang mas binibigyan niya ng oras ang babaeng yun.
Hindi na ako nagtanong kung bakit, para kasing may hinala na ako. Habang nag-aayos si john ng gamit ay busy ito sa kausap sa phone kaya lumabas nalang ako dahil ayukong marinig ang pag-uusap nila.
Paglabas ko bumungad agad sakin ang mga kaibigan ko na nalungkot na nakatingin sakin. The days we spent here kapag iniiwan ako ni john dahil sa kausap niya ay sila ang kasama ko.
Kahit hindi nila ako tinatanong alam kong alam nila.
"Good morning." bati ko sakanila. Pero lahat sila ay nakatingin lang sakin walang reaksyon.
"Bakit?" tanong ko sakanila.
"Dont force yourself to be happy when your not because it hurts you so much." Wala akong nakitang emosyon kay zajane. Nakatingin lang ito sakin ng deretso.
"Tara kumain nalang tayo bago umuwe, nagpahanada na kami." sambit ni Vince na buhat buhat ang anak nilang bunsong si vrixie.Nung isang araw ay sumunod ang mga katulong nila vince kasama ang bunsong anak nila na si vrixie to celebrate their anniv. na naging dahilan ng pagtatampo ni abby.