Pagpasok namin sa loob ng bahay agad akong niyakap ni nanay Cora. Hinayaan ko naman na umiyak ako sakanya.
Sobrang sakit mas masakit pa sa ginawa ni john. Bakit sa lahat nang tao ang ama ko pa ang unang tumalikod sakin at hindi tumanggap sa tulad ko na mismong Anak niya.
Biglang bumukas ang pintuan. Pumasok sila papa sa loob.
"Lumayas ka sa bahay na to!" Sigaw niya sakin.
"Hindi ako aalis sa bahay nato dahil kay mama tong bahay!" Nagtitimpi lang ako. Pero parang sasabog na ako.
"Lumayas ka!" Galit na sigaw ni papa sakin.
"Hindi ako aalis. Kayo ang umalis sa bahay ng mama ko." Umiiyak na sabi ko. Pumagitna samin sila nanay Cora at Mila.
"Punyeta kang bata ka!" Hinampas ako nito nang tungkod na tumama sa legs ko.Napahawak ako kay nanay Mila dahil sa sakit nbg hampas ni papa kung hindi baka tumumba ako.
"Magsama kayo ng mama mong malandi!"
Hindi ko na talaga kinaya ang sinabi ni papa. "Tama na papa. Tama na.!! Di baleng ako nalang ang pagsalitaan mo nang masama, di baleng lahat nang galit mo sakin mo nalang ibuhos wag lang sa mama ko. " gusto kong gumanti nang sigaw pero nakakapagod din pala.
"Sa mahal na mahal kong mama na sobrang minahal ka. Tama na kasi na nanahimik na siya, tama na kasi sobra na yung hirap na dinanas niya mula sa inyo. Tama na kasi pinatay niyo na nga siya hirap dahil sa inyo kaya tama na." Sobrang hirap magsalita dahil sa kakaiyak ko pero kasi kung pagsalitaan niya ang mama ko parang napatunayan niyang ganun si mama.
"Danny tama na. Tyaka nalang kayo nag-uusap pag malmig na yung mga ulo niyo." Pumagit samin si nanay Cora.
Masamang tinignan nila Andrea at tita ferlyn si nanay cora.
"Tama na muna to kasi sobra nang nasasaktan ang Anak mo. Tama naman na ang pananakit sakanya mula physical at emotional. Masyado na siyang nasasaktan dahil sayo, hindi mo alam ang naidulot mong bangungot sakanya na hanggang ngayon ay ginugulo siya. Sobrang laki nang sugat na binigay mo sakanya kaya tama naman na. Awang-awa na kami sa bata."
Umiiyak itong sinasabi ni nanay Cora.
"Hindi mo alam ang pinagdadaanan nang anak mo, kung ayaw mo siya dito sige aalis na kami." Humarap sakin si nanay Cora at niyakap ako sabay bulong. "Mahal ka namin, lagi mong tatandaan."
Naglakad kami paakyat sa kwarto ko at kinuha ang mga gamit ko. Babalik pa naman ako dito, magpapalipas lang ng mga nangyare ngayon.
"Tara na, para makapag-pahinga kana." Malungkot na ngumiti sakin si nanay Cora. Ngayon ko lang napansin na hindi sumunod samin si nanay Mila.
Pagkakuha nang gamit ay bumaba na kami. Naabutan namin si nanay Mila na nagsasalita.
"Oo danny, patay na si annalyn. Patay na siya. Pinatay siya ng mga taong pinapahalagahan mo."
"Minahal ka ni annalyn nang sobra kahit na harap harapan mo siyang sinasaktan, minahal ka niya kahit na sobrang hirap na hirap siya dahil sa inyo lalo kay ferlyn pero pinilit niyang mabuhay para sayo at sa mahal na mahal niyang anak kaso."
Huminto si nanay Mila sa pagsasalita at lumingon sa pwesto namin. "Hindi na niya kinaya pa ang hirap na dinadmas niya mula sa inyo kaya bumigay na siya. Ang huling sinabi niya samin ay Huwag naming hayaang saktan mo si angie at huwag naming hayaan masira kayong dalawa kasi kahit na mawala siya binabantayan niya daw kayo. Sabi niya pa ingatan mo daw si angie dahil ang tulad nang anak niyo ay isang uri nang gamit na iniingatan at inaalagaan dahil ang tulad niya ay madaling masugatan at masaktan. Pero ngayon sobra na yung ginawa mo. Wala kaming karapan sa inyo pero samin ibinilin si angie kaya kami na mula noon hanggang ngayon ang tumatayong magulang niya."