Hello po! Thank you sa inyo! Sana suportahan niyo pa din ako. Nalalapit na ang mga pangyayaring babasag sating mga puso. Ang paghihiwalay ng dalawang bida sa istoryang ito.Mabilis lumipas ang araw na hindi mawala sakin ang takot at pag-aalala sa maaring gawin ni Angela pero until now wala pa namang nangyayare. Hindi din nagpaparamdam yung pamilya ni john na hindi ko alam kung tama ba o hindi.
Nung officially na kami ni john hindi nawala ang awayan , bangayan namin pero sa tuwing may ganung nagaganap samin hindi namin sinasanay na sa buong araway hindi kami magbabati. Kahit gaano pa kami magkagalit pag-uusapan namin tungkol sa alitan namin tapos magsosorry sa isat isa. Sabi niya kasi sakin "communication is the key for a successful relationship" Kaya sa tuwing may misunderstanding kami pinag-uusapan namin.
Si Steve simula nung gabing nag-usap kami ay hindi ko na nakita, oo nagtetext siya pero hindi sapat kasi ang cold niya sa text. Pagtinatanong ko si john about kay steve ay nagagalit agad kung Anu-ano na ang sinasabi nagseselos lang naman.
May yumakap sakin mula sa likuran.
"Your thinking too much again."Napangiti ako. "Hindi ko maiwasan eh. Nakakabilib lang na ang tagal na natin noh. Tapos wala pa tayong nagigiging problema kaya alam mo ang saya ko na sana ganto nalang tayo palagi."
Humigpit ang yakap sakin ni john. "Gusto ko din ng ganto tahimik lang yung buhay natin, basta masaya ka masaya na din ako." He said and rested his head on my shoulder.
"Talaga, okay lang sayo ang gantong buhay. Nasa gantong bahay ka tapos palagi ka lang nandito, papasok sa trabaho tapos uuwe. Okay lang ba sayo ang ganto?" Kasi sa yaman nila imposibleng magpatali siya gantong klase ng buhay na meron ako. Hindi naman ako mahirap pero hindi rin naman mayaman.
"Oo naman.I will let go everything for you. Kakayanin ko ang lahat basta kasama kita, basta mahal mo ako at hindi mo ako iiwan kakayanin ko ang lahat kahit Ano pa yan. I am happy being with you." Hinalikan ako ni john sa pisngi.
Ang sarap namnamin ng mga sinabi ni john, kaya niyang isuko ang lahat para sakin. Kung kaya ni john ang ganun kaya ko ding isuko ang lahat para sakanya. Nanatili kami ni john sa bakuran tahimik na naka tingin sa mga bituin.
"Bakit pala hindi ka pumasok."
"Tinatamad ako, I owned the hotel kaya hawak ko ang oras ko. " yabang talaga nito.
"John, okay ba kayo ni Steve?" Lakasang tanong ko kahit alam kong magagalit na naman to.
"Why do you keep on asking him? Do you love him. Ouch!" Tinapakan ko siya ng malakas kasi sa tuwing nagtatanong ako about kay john ay ganyan palagi ang sinasabi niya. Naiinis na ako.
"Kasi nag-aalala ako dahil kahit Paano kaibigan ko yung tao,malapit sakin si Steve and hindi ko siya gusto kahit dati pa na nagpaparamdam siya sakin kasi alam niya na ikaw ang mahal ko. " hinawakan ko nh mukha ni john. "John it doesn't mean when i care to Steve I already love him, I cared so much to Steve because steve was there when I need someone to take care of in my worst state. And Steve is like a brother to me."
John sigh. "Im sorry i was jealous to him since then. Honestly i don't know where he is now,but I'll asked renz for it." He hugged me.
"Don't be jealous to him because my heart only beats for you." I hugged him too.
"Let's go, make a baby gusto ko nang maging tatay." Natahimik ako sa sinabi ni john. Hindi ko pa nasasabi sakanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Nagagawa kong itago ang tiyan ko sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga malalaking damit, so far wala pa namang nakakahalata, tuwing may checked up ako ay pumupunta ako pag-alis ni john.