"John, hindi kaba natatakot." Tanong ko habang nakahiga kami.
"Saan naman." Sagot niya habang hinihimas ang aking likod. Simula kagabi palagi na niya itong hinawakan, hinaplos na parang napakagandang bagay.
"Pwede ba tigilan mo ang ginagawa mo kasi ako ang naiilang para sayo." Ang panget panget ng mga peklat ko tapos hinahawakan pa niya.
"I can't. I love these scars, so don't be shy."
Kinikilig ako sa sagot niya kaya hahayaan ko nalang. "Yung tanong ko kanina, hindi kaba natatakot na nawala sayo ang mga bagay na mahal na mahal mo dahil sakin."
Naalala ko kasi na tinanggalan siya ng mana, kinuha ang mga bagay na para sakanya. Hindi ko din alam kung pati ang mga cards na nasa kanya ay may access pa ba o wala na din.
"No. Mas natatakot ako na ikaw ang kunin nila sakin or worst iwanan ako dahil sakanila." Niyakap ako nito ng mahigpit at isinubsob ang mukha sa aking leeg.
Bigla akong napaisip sa sinabi ni john. What if ganun ang mangyare, mapapatawad niya pa kaya ako? Mamahalin niya pa din kaya ako? Ipaglalaban niya pa kaya ako?
Hmp! Syempre hindi! Ikaw na ang nang-iwan ikaw pa pag ipaglalaban!
"Pero bakit hindi mo sinabi sakin na ganun na pala ang nangyayare sayo. Sana manlang natulungan kita."
"Because i don't want you to think about my conditions. Im fine as long as were together and as long your here with me. I'll do something about it. So don't worry." He kissed me.
Hindi ako magsasawa sa halik niya. Iba kasi ang pakiramdam ko, parang ang saya, his kisses takes my worries away. Then suddenly his phone rang.
"Sasagutin ko lang." Sabi nito kaya tumango ako.
Lumabas si john ng kwarto ako naman ay kumuha ng damit at nagbihis. Sakto pag labas ko nagbibihis si john.
"San ka pupunta?" Tanong ko.
"I need to go. Something happened to my hotel."
"Sasamahan na kita."
"No, i can handle it. You stay here and rest. Pinagod kita kagabi Malay mo mamaya uli." Kumindat ito sakin na may ngiti ng nang nakakaloko.
"Abat! Pagpahingain mo namanang perlas ko." Lumapit ako kay john at inayos ang necktie niya." Hindi ka manlang ba maliligo?"
"Hindi na. Mabaho ba ako?" Inamoy nito ang sarili niya.
Tumawa ako. "Syempre hindi. Ang bango mo nga eh. Kaya lang nakakahiya naman na haarap ka sakanila na hindi ka naliligo."
Natahimik si john. Naka tingin LNG ito sakin. "Bakit?"
"Si angela ang kasama ko papunta sa hotel."
"Ah, business partner nga pala kayo. " ngumiti ako. "Sige na ingat ka bala malate kapa."
Nakangiti akong sinabi yun pero si john nanatiling naka tingin sakin. "May sasabihin ka pa ba?"
Parang may kumurot ng puso nang malaman na sila ang magkasama. Na parang walang nangyare gulo sa pagitan naming tatlo.
"Pupuntahan ko siya sa bahay nila. Para sabay kaming pumunta sa hotel." Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. "But wala nang ibigsabihin sakin nun, kaya lang si dad ang tumawag sakin and there is well known hotel that wants to merge with our hotel and they want to talk me. Pagkakataon ko na din to get wants mine."