Nilagpasan ko lang sila, kahit na kitang kita ang panginginig ko. Iniisip ko nalang na kayang kaya ko sila.
Taimtim akong nagdadasal na sana ay may dumaan ng taxi. Dahil nakasunod pa din sakin ang mga hayup na lalaki. Buti nalang ay tumawag sakin si zajane.
"Zajane!" Sigaw ko para marinig nila.
"Hoy angielyn, hindi ako bingi para sigawa mo."
"Zajane, sunduin mo ako dito ngayon na. Vista Subdivision. Im waiting for you as in now na. Please" maiiyak na ako habang nagsasabi kay zajane, sana naman puntahan niya naman ako agad.
"Okay. Hintayin mo ako. Bibilisan ko." Yun lang ng sinbi ni zajane at binabaan ako.
Naririnig kong sumisipol sila. Kaya maa binilisan ko pa lakad takbo na ang ginawa ko pero nung maramdaman ko ang pagkirot ng tiyan ko ay nagdahan-dahan ako.
"Shit!" Sambit ko dahil ang sakit ng tiyan ko.
"May masakit ba sayo?" Kinilabutan ako dahil sa may bumulong sakin. Kaya bigla akong lumayo
Masama kong tinignan sila gacy. Nakangisi naman ang lalaking red ang buhok at nakatitig naman sa tiyan ko. Kaya hinawakan ko ang tiyan ko.
"Bakit niyo ko sinusundan?"
"Para pagbayarin ka sa mga ginawa mo?" Sabi ni gacy.
"Anong pagbabayaran ko? Wala naman akong utang sa inyo. At kung dahil yan sa demonyo mong pinsa na si Angela. Siya mismo singilin mo dahil siya ang gumagawa ng ikakasakit at makakasakit sakanya. "
"Tsk. Ang tapang mo. Kapag sinakal na kita, matapang ka pa din kaya?"
Napahakbang ako paatras dahil sa sinabi ni gacy. Sa itsura nito alam kong hindi ito nagbibiro, pero hindi ko ipapakita na natatakot ako.
"Subukan mo, dahil sisiguraduhin ko namang mamamatay ka din sa kulungan. LAHATA KAYO!"
Humakbang palapit sakin si gacy ako naman ay humakbang paatras.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?"
Nakahinga ako ng maluwag ng dumating ang isang guard.
"Ma'am." Tawag sakin ng guard. Dahil nakatingin lang ako sakanila."No."
"Yes."
Sabay naming sagot ni Gacy. "Hindi ho ako okay sir. " sagot ko at lumapit kila manong guard. "Kuya, sasabay na ako sa inyong maglakad."
"Sige ho ma'am. " sambit sakin ni manong guard at bago kami maglakad ay nagsalita ito kila gacy. "Mga sir, huag ho sana tayong manggigipit ng babae. Sige ho."
Sobrang nakahinga ako ng maluwag ng makasabay si mnong guard palabas ng subdivision na ito. Hindi ko hinayaang umalis sa tabi ko si manonh guard habang naghihintay kay zajane, tinext ko na ito na bilisan sabi namin nito malapit na siya.
"Thanks god! Your finally here." Sabi ko dito pagkalabas ng kotse.
"Are you okay? " tanong sakin ni zajane.
"Yup. " sagot ko at sumakay na sa kotse niya. Nagpasalamat ako kay manong guard bago kami umalis ni zajane.
Habang nasa byahe na kami ni zajane papunta sa bahay ni abby. Yeah doon kasi talaga ang tambayan namin.
"Anong ginagawa mo sa bahay ng papa mo?" Tanong ni zajane.
"Wala naman."
"Dont fool me angie, ikaw na nagsabi na galit ka sa mga taong yun tapos pupunta ka dun. Ano ngang ginawa mo dun."