Love: Office girl

12.3K 198 7
                                    

Chapter Two: Office girl

"Ang tanga mo naman, girl. Di mo kilala ang CEO natin?" pangtatanga ng bakla kong kasamahan. Lunch break kaya pwedeng magpahinga o magdaldalan. At ang topic namin ngayon ay ang CEO. Lakas loob no!

Sumandal ako sa aking table at uminom ng coffee.  "Di ko talaga alam ang mukha niya. Di ko pa naman nakikita ng personal o kahit nga picture man lang."

Nagkatinginan ang bakla kong kasamahan na si Axel, Alex kapag gabi. At si Lynne na ka-edad ko lang rin.

"You know, one month pa lang siya rito kaya ganon." ani Lynne habang nag-aayos ng stockings niya.

Napatango si Axel,  umaga kaya Axel tawag ko sakanya. "Oo nga, tsaka camera shy ang papa nyo."

Napahagikgik si Lynne. Tawag talaga nila sa CEO namin noon pa ay 'Papa'. Gwapo nga daw kasi, di ko pa naman nakikita kaya ewan. At napaka-mysterious pa nito, I agree. Ang arte pala nun, ayaw magpakita sa empleyado. Swerte ka daw pag nakita mo.  Kaya ko naman di siya nakikita dahil madalas daw na umuwi ng gabi na ang CEO namin, kapag papasok naman ay halos napaka-aga din kaya di makakasalubong. Kapag meeting naman ay di ko na aabutan–at wala naman akong balak makita ang mukha niya dahil wala namang magagawa ang kagwapuhan niya sa ikayayaman ng pilipinas. At higit sa lahat, ayoko ng sumali sa fansclub nila Axel na dying hard sa pagpapansin sa CEO—kay Mr. Rusell Herrera.

Nabalik ako sa realidad ng binato ako ng crumpled paper ni Axel, "Ano tulaley ka diyan?"

"Naiisip si Papa." sabi ni Lynne sabay hampas kay Axel na tumatawa.

Napailing ako. "Baliw! Paanong maiisip kung di ko pa nakikita?"

"Imagination?" ani Lynne. Si Axel naman ang nakisawsaw. "Ilusyon?"

"Baliw! Ilusyon ka diyan. Iba ang meaning nun." sagot ni Lynne. Binalingan niya ko.

"So ano na? Bakit ka daw kakausapin?" Nagkibit balikat ako. Di ko naman alam kung ano rason at pinatatawag ako ng CEO lang naman. Nakakatakot nga eh. Baka mamaya sesantihin na pala ko. Wag muna ngayon, next month na lang.

"Oo nga, girl. Type ka? Saklap, dapat sa akin. Hurt, hurt." ani Axel. Nagkatinginan sila ni Lynne at umarteng nasaksak ng pencil sa puso si Axel na kinuha niya sa kanyang table.

"Saksak puso, tulo ang dugo!" sabay nilang sinabi kasabay ng pagtawa. Napadamay tuloy ako sa pagtawa nila. Kaasar talaga ang mga 'to. Ganyan sila palagi kapag bored at nababaliw.

Dumating si Ma'am Ivy kung saan sa amin patungo. Nakahawak ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang bewang. Ka-edad lang namin siya ni Lynne, 22. Ngunit mas mukha siyang matanda ng ilang taon dahil sa stress na inilalabas niya sa walang kakwenta kwentang bagay katulad ng nangyayari ngayon, mas bata pa ngang tignan si Axel na 25 years old na.

"Ano daldalan kayo diyan? 1:01 pm na oh. Trabaho!" singhal niya sa aming tatlo. Umiling si Lynne at inikot ang kanyang swivel chair paharap sa desk niya. Si Axel naman ay umirap lang kasabay ng paglapag ng pencil sa desk niya.

"OA, ngayon pa lang nag-1:01." bulong niya na halos rinig din ng lahat. Napatingin na ang ibang katrabaho namin sa pwesto namin. Naningkit naman ang mata ni Ms. Ivy.

"Pilosopo!" aniya at pumula ang pisngi. Nagblush? Tinignan niya ang ibang katrabaho namin at sinigawan din. "Tatanga tayo? Trabaho!"

Nagsunuran ang lahat except kay Axel. Ako kasi ay sumiple na ng upo kaharap ang desk ko. Napairap si Axel kasabay ng pag-iling. Napatingin tuloy ako sakanya, mula ulo hanggang paa. Nakapang boy uniform siya dahil di naman pinapayagan dito ang magdamit ang lalaki ng pambabae, so no choice si Axel. Kung titigan mo siya, may itsura at di mo masasabing bakla kung di mo kilala. Kung kumilos 'yan, lalaking lalaki. Kapag gabi lang talaga siya transforming into beki. Doon ka mapapailing dahil nakakahinayang. Karamihan pa naman ngayon sa mga lalaking gwapo eh, sumasali sa 'I am Pogay.' 

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon