Warning: Medyo SPG
Chapter Two: Hot and cold
"It's okay, nagulat lang ako. Sige na. Don't worry, I'll be fine." Ngumiti ako kina Jess, Zyra at Gerald kahit sa kaloob looban ko ay gusto ko ng sumabog. Secrets. Secrets. Nakakainis! Sinabi na ngang 'wag na kong ibili ng mga kung anu-ano.
Tumayo na ko at naglakad palabas ng building. Nakasalubong ko pa ang boss namin, tumango lang ako at nginitian siya.
"Ahm, Mrs. Hererra."
Napahinto ako at binalingan ang boss namin ng nakakapagtaka. Kilala niya ko?
Tumikhim siya ng binulungan ng asawa niya, sa pagkakakaalam ko ay iyon si Mrs. Christina Villafuerte. "Congrats."
"Thank you sir." Tumango ako at umalis na sila. Nahuli ko pa si Mrs. Villafuerte na pinagmasdan ang mukha ko. Siguro kilala nila si Clade. Yeah, magiging kilala naman na talaga ko dahil sa pagkakaugnay ko sa mga Hererra. Hindi dahil sa kagalingan at dedikasyon ko sa trabaho o ano pa man. Magiging anino na lang ako ng asawa ko.
Dumiretso kaagad ako sa kotse ni Clade na naghihintay sa labas. Nakita ko pa ang ibang empleyado na nakatingin at pinagbubulungan ako. Napailing ako, kelan ba ko masasanay sa ganito?
"Kamusta?" He leaned forward to kiss my lips. Siya pa ang naglagay ng seat belt sa'kin. "Namissed ka ba nila?"
"Yes. They missed me." tipid kong sagot at ngumiti ng pilit. Nawala ang ngiti sa labi niya at tumango. Umayos na siya ng upo at binuhay ang makina ng sasakyan.
I need to calm myself. Paano nga kung suprise pala niya sa'kin? Baka ayaw muna niyang sabihin dahil supresa. Hindi naman nagsisirekto 'yon, hindi ba?
Tama, dapat ako 'yung malawak ang isipan. Hindi dapat nagpapadala sa galit. I need to calm down.
Pero bakit pa niya binili? Una 'yung yacht tapos resort naman ngayon.
"Ayos naman na tayo, diba?"
Napalingon ako kay Clade ng dahil sa tono ng pananalita niya. Nakatingin siya sa daan ngunit kita ang lungkot sa mukha.
"Yes we are."
Nag-igting ang panga niya. "But why do you act like that?"
Umiling ako, "Like what?"
"You know what I mean."
"Clade, pagod lang ako. Mali ka ng iniisip. Kababati lang natin diba, ano na naman bang ikagagalit ko?" Sumandal ako at bumaling sa bintana. Pagod ka, Cyrish? Wala pa ngang kalahating araw pagod ka na? How pathetic excuses you made.
Naramdaman ko ang isang kamay niyang humawak sa kamay ko. Pinisil ko ito para masabing okay lang ako. Alam kong di siya naniniwala pero hindi na niya ko pinilit pang magsalita.
-
"Napapagod ka bigla?" tanong ni Tita Karylle ng makauwi kami. Nasa kwarto ako at nakahiga sa kama. Kailangan kong umarteng pagod para kay Clade-para hindi niya maisip na hindi kami okay.
Di ako umimik. Tumikhim si Lynne at tinaasan ako ng kilay. Nasa may pintuan siya at nakahalukipkip na nakamasid.
"Magpatawag tayo ng doctor?" sabi ni Tita habang hawak ang pulso ko. Tumingin siya sa anak na nakaupo sa tabi ko. "Baka naman-"
"Di po ako buntis. Pagod lang talaga ko." pagputol ko sa sinasabi niya. Ayoko ng mag-assume pa siya dahil malabong mangyari 'yon. May dalaw ako ngayon kaya walang batang nabubuhay sa tiyan ko.
Napauwang ang bibig niyang tinignan ako. "O-okay, akala ko lang naman." Tumawa siya ng pilit at binitawan na ang kamay ko, medyo malakas pa ang pagkakabitaw niya.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...