Aftermath: For the Sake of Love

6.2K 70 0
                                    

Chapter Five: For the Sake of Love

We wish to have a child. Kahit isang anak lang ay okay na pero ang ibinigay Niya ay tatlo. We're very thankful for that and somehow, I'm also thankful for the blessings He has given to us.

Katatapos lang naming magsimbang pamilya at patungo na sa bahay na kabibili lang last year. We bought a new house, ibinenta na ni Tita Karylle ang dating bahay na pinagsamahan namin ni Clade ng newly wed pa lang kami. There are so many memories that we needed to treasure and also to forget.

"Daddy, I want toys!" sigaw ni Mori na nakakarga sa kanyang daddy. Tinakpan ko ang bibig dahil nasa loob pa kami ng simbahan. Siya ang bunso at unica hija namin. Morisette Ally ang pangalan. Three years old.

"Don't shout,Mori." saway ko at hinawakan sa kamay si Clyde. Nakasunod naman si Clash na nakapoker face. Ano na naman kayang problema ng anak kong 'to?

Nakalabas na kami ng simbahan at pumunta sa parking lot. Narinig ko ang iyak ni Mori at doon ako napalingon sa likod ko. Kinalabit ako ni Clyde at sinabihan ng "Lagot ka, mommy! Pinaiyak mo si Mori!" Ng nakasama ang tingin.

Nang nakalapit na ang mag-ama ay kinuha ko ang nagtatampong baby ko at pinatahan. "Sorry na, baby." I stroked her curly hair. "Don't shout kasi sa church. Pagagalitan tayo. Bad 'yun, okay?"

She pouted her lips. Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi. "Okay?" tanong ko pa at tumango lang siya at niyakap ang leeg ko. Tumingin ako kay Clyde Russ na nakamasid sa amin ng kapatid niya. Nagmade face ako at gumaya siya. Paano naman ay ayaw niyang pinaiiyak si Mori, siya ang tipong kapatid na magkamatayan na, 'wag mo lang sasaktan at paiiyakin ang pinakamamahal niyang kapatid. Siguro ay dahil na rin sa bunsong babae si Mori kaya protective brother. Ang naaalala ko nga ay ang Hererra siblings. Clade was also protective to his younger sister. While the oldest, Yael is still Yael.

Dumating na sa harap namin ang kotseng pinapaandar ni Clade. Pumasok kami ni Clyde sa likod habang nasa lap ko si Mori. Ang nasa harap kasama ni Clade ay ang panganay niyang anak. Clash was... like his Tito Yael. I hate to say that, but ugh. Sana naman ay 'wag niya kaming iwan paglaki niya. Sana ay ang good attitudes na lang ng Tito niya ang makuha at 'wag ang hindi kanais nais. Six pa lang siya ay medyo seryoso na at minsan ko nga lang makitang nakangiti. Kapag naglalaro sila ni Clyde na isang taon lang ang pagitan ay doon ko naririnig ang kanyang tawa. Ang pagkakaiba naman niya kay Ysmael at nakuha sa asawa ko ay ang pagkamahilig sa ships and car collections. Syempre ay laruan lang. Kapag malaki na sila at kaya ng mabuhay ay tsaka sila bumili ng totoo. Ayokong i-spoiled kahit kaya ng daddy nila, hindi maganda sa bata ang ganon dahil nasasanay na umasa sa kita ng magulang. Dapat ay matuto silang tumayo sa sariling paa. Hindi naman sa mahabang panahon ay nariyan kami ng daddy nila para sakanila. Ayaw man namin pero mawawala rin kami. At bago mangyari 'yon, tuturuan ko muna sila ng mga mabubuting asal at paano mabuhay sa mundo.

Sa ngayon, laro at aral muna ang atupagin nila. Pagdating sa bahay ay nagtatakbo na ang dalawang bata papunta sa kanilang kwarto. Si Mori naman ay natutulog sa balikat ko habang karga. Kinuha ng kanyang daddy ng dahan dahan at ako naman ay isinara ang pintuan.

Ang bahay namin ngayon ay walang second floor pero malaki ang espasyo. May apat na kwarto at may kanya-kanyang bathroom. Modern ang furnitures at designs. Mas gusto ko ang ganitong klase ng bahay dahil safe sa mga bata at hindi na ko mahihirapan kakahanap sa kanila.

Hindi na ko nagbalik trabaho mula noon. Naging housewife na lang ako dahil mas gusto kong kasama ang anak ko at mapagsilbihan pag-uwi si Clade. At alam kong ang trabaho ay magiging malaking sagabal sa gusto ko kaya I sacrificed my own career. Si Clade naman ay nagbalik sa kompanya niya nung ilang buwan na si Clash. Pinilit ko pa 'yan dahil ayaw magpaawat ng kakaalaga sa anak. Naaawa naman ako sa pumalit sakanya bilang CEO, ang pinsan niya sa ama na ayaw naman talaga ng mga ganong bagay at no choice lang ng magplease si Tita Karylle. Wala silang aasahan dahil ayaw ni Ysmael, hindi rin pwede no'n si Lynne dahil nag-aalaga kay Claude habang si Clade ay sleeping prince that time.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon