Obsessive Love: Façade [ Part I ]

3K 50 2
                                    

Chapter Ten: Façade

"Good morning, Ma'am. May appointment po ba kayo?" bati sa'kin nung secretary ni Clade. I smiled.

"Ikaw ba si Honey? 'Yung bagong secretary?" Tumaas ang kilay ko. She's petite woman. Maputi at medyo may itsura.

Napakunot noo ito. "Ako nga po. Wala po kasi si Sir Hererra. Balik na lang po kayo mamaya."

"Okay lang," dumiretso ko ng lakad hanggang mahawakan ko ang doorknob ng pintuan.

Pinigil niya ko sa pagbukas ng pinto. Taranta pa siya at nanginginig ang kamay. Poor lady. "M-ma'am magagalit po si sir. Baka matanggal ako sa trabaho."

"Don't worry dear. Hindi magagalit ang asawa ko." I winked at her. Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Biglang bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko at napatayo ng ayos. Mas pumutla ang mukha niya sa kaba.

"S-sorry po, Ma'am. Hindi ko po kasi alam. Pasensya na po." Halos yumuko pa siya sa'kin.

"Wag kang mag-alala, di kita isusumbong. Ano ka ba naman! Alam ko ang mga ganyan." Hinawakan ko siya sa braso. Napangisi naman ako ng siya na mismo ang nagbukas ng room ni Clade.

"Do you want anything, Ma'am?"

Naupo ako sa settee at tumingin sakanya. "Cyrish. And no thanks. I don't need anything. I'll be fine here."

"Okay po ma'am Cyrish." Napatango tango siya. "Tawagan ko po si Sir?"

"No, don't do that. I mean, 'wag mo ng abalahin. Kaya ko namang maghintay. Just do me a favor."

"Ano po?"

"Just call Axel Garcia. He's my friend. Dito siya nagtrabaho so excuse him for a little while." Napatango si Honey at umalis na ng kwarto. Nakahinga ko ng maluwag. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at si Axel ang niluwa.

Napahinga ko ng malalim. "Buti naman nandito ka na. The anticipation is killing me."

"Chill. Mamaya pa dadating si Clade." I hissed. "Bilisan mo, mamaya mahuli pa tayo sa kalokohan na 'to."

Napatango lang siya at naghanap na sa files ni Clade sa kanyang table. Napailing ako at nilapitan siya. "Mali ka naman ng hahanapan. Kung dito lang siya magtatago, madali siyang mahuhuli. Think, Axel. Clade is a businessman. And a businessman is a wise person so he will not just let important things scatter here."

"Okay fine. Sorry naman." Naupo siya sa swivel chair ni Clade at naghanap sa mga drawer ng table. Ako naman ay tumulong na rin dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa dalawang dahilan. Una ay baka mahuli kami. Pangalawa ay ang magiging kahihinatnan nito.

At alam ko na mismo sa sarili ko na hindi maganda ang parehas na naiisip ko.

Naghanap ako sa mga bookshelves. Naisa isa ko na ang lahat ng libro ay wala pa ding clues or something. Isang oras na din kaming naghahanap. Ang nakakainis lang sa'kin ay naghahanap ako ng ikasisira ng asawa ko dahil ginusto ko rin naman. Pero ang utak ko naman ang kumokontra dahil malaki ang tiwala ko kay Clade. Alam kong wala pero naghahanap ako! Ang gulo gulo lang.

"Hindi ba ang sabi mo ay, 'he will never let important things scatter here." Napalingon ako sakanya at ibinalik ang libro sa shelve. "Ibig sabihin wala rito. Baka nasa bahay ninyo."

"Bahay namin? I don't think so. Sa lahat ng nangyayari rito sa kompanya niya, wala siyang sinasabi sa'kin kaya alam kong sa lahat ng paglalagyan niya, hindi sa bahay kung saan mahahalungkat ko ang lahat."

"Pero wala rito,e. Baka naman sa parte ng bahay ninyong kahit kelan ay di ka pa pumapasok." Napailing ako na kinalungkot ng mukha niya. Ano sumusuko ka na ba, Axel? Suko ka na ba sa mga pinagsasabi mo?

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon