Chapter Seven: I like him
"Cyrish. Help me with him. Please?"
I slowly shook my head in disapproval. "Ayoko talaga, Zyra. 'Wag na ako ang hingan mo ng tulong diyan. Si Jess na lang."
Jess silently frowned. Napairap ako sa pagtatama ng mata namin sa salamin.
"Friends ko ba talaga kayo o ano?" Napasimangot si Zyra habang naglalagay ng lipstick. She gave her long, defeated sighed. "I like him. Kilala nyo na siya diba?"
Nagkasabay kami ng tango ni Jess na nakasandal sa pader ng powder room ng Villafuerte corporation.
Hinampas ni Zyra ang kamay niya sa marble na sink. "Iyon naman pala 'e! Tulungan ninyo kong magpakilala sakanya."
Nagkatinginan ulit kami sa salamin ni Jess. 'Yung mga mata niya ay parang may pinaparating na ako na ang bahala sa kalokohan ni Zyra.
"Pakilala nyo lang naman ako tapos ako na ang bahala. I like him. Malay nyo siya na ang destined para sakin." sabi ni Zyra ng kinilig bigla. Patay na! Tinamaan na siya kay Rod!
Nagulat pa ko ng bigla niya kong hawakan sa braso. "Cy! Ikaw kilalang kilala niya 'e. Sige na. Help me with him."
I bit my lower lip. Nagtatalo ang isipan ko. Ayos lang sa'kin na tamaan siya for Rod. Wala naman sa akin 'yun, puso niya 'yan 'e. Kung maging sila, it's nothing for me. Matutuwa pa ko dahil may nahanap na si Rod at naging masaya ang kaibigan ko.
Problema lang ay kung ako ang magsisilbing tulay para sakanila. It's a big NO. Ang naiisip ko bigla ay si Clade. He's still worried and affected to Rod's presence. Kung malayo pa nga lang apektado na siya, paano pa kaya kung ako na mismo ang lumapit para kumausap kay Rod? Ayokong magkaaway kami dahil dito. Ayokong masira ang relasyon namin dahil sa nakaraan.
"No. Ayoko, Zyra. I'm sorry. Di kami close." I looked at her with my apologies. She sighed.
"Okay."
"Bakit ba ayaw mo?' tanong ni Jess ng lumabas ng powder room si Zyra. Pinagmasdan ko lang siyang naghugas ng kamay sa sink.
I shrugged. "Di ko ka-close. Minsan lang kami nag-usap non. " I lied. Ayoko kasing sabihin pa sakanila na Ex ko si Rod. Mahirap na. Baka mamaya magkaroon na naman ako ng rason para maghanap ng ibang pagtrabahuhan. Ayoko na ng gulo at maging hot issue pa.
"Ah okay. Halika na?"
Tumango na lang ako at lumabas na kami ng powder room. Nadatnan namin si Zyra na naghihintay. Napatawa kami at hinila na siya.
"Aarte arte pang galit." Kinawit ni Jess ang kamay niya sa braso ni Zyra. "Di naman kayang panindigan."
Napanguso lang siya na ikinatawa namin. She's totally pretty and intelligent. Medyo chinita dahil may halong chinese. Long hair siya katulad ko na hanggang bewang, ang pinagkaiba niya ay may full bangs. Doon siya mas lalong nagmumukhang bata.
Sa pagkakaalam ko ay no boyfriend since birth siya, at first time lang magkaroon ng gusto sa isang lalaki. Sa lahat ng mapapalad na lalaki, kay Rod Reego Castillo pa talaga!
---
"So eto ang sayo, Jess." Inabot ko ang invitation kay Jess. Nakangiti naman niya itong kinuha at binuksan. Binasa ang laman.
Hinintay ko lang siyang magreact. Naupo ako sa gilid ng desk niya.
"Grabe, ang yaman pala talaga ng mapapangasawa mo! May-ari ng Hererra Company.' She wrinkled her nose. "Buti tinanggap ka ng mom niya?"
Napakunot noo ako. "Oo naman. Nung una duda, pero ngayon hindi naman na."
Napatango siya habang tinitiklop ang invitation at nilapag sa desk.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...