Chapter Eight: Who's the boss?
Pumikit na ko at tumalikod sa nakita. It's hard for me to accept that he actually do the the same. It's not the same thing pero yung may iba din pala siya. Karma is so fast. Karma is a bitch. Tinamaan kaagad ako at ang sakit sakit lang.
Naglakad ako palayo ng kwarto kahit nahihirapan ako. Tears starting to fall. Im hurt. I deserve it, deserve ko nga ba? Deserve ko nga bang iyakan ang taong niloloko din pala ko? Kailan pa kaya siya nanloloko. Mas nauna pa sakin? Kaya siguro umalis siya ng walang paalam dahil wala na ko para sakanya.
Naglakad ako palabas ng unit ng padabog. Wala kong pakialam kung marinig nila. That jerk! Akala ko napakabait niya, may kagaguhan din palang taglay! Buti na lang.. Buti na lang at kahit papaano ay ginagalang niya ko sa loob ng apat na taon na pinagsamahan namin. Buong biyahe sa jeep ay pinagtitinginan ako ng mga ibang pasahero. Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng umiiyak?
Talagang sinadya kong sa jeep sumakay para tumagal ang biyahe, para maubos ang luha ko. Traffic pa, mabuti na lang. Ayokong makita ko ng mga kapitbahay na umiiyak. Mamaya pagchismisan pa ko. Ayos na 'tong ibang tao nakakakita ng iyak ko, atleast di ko kilala. Pagchismisan man ako, di ko maririnig at saglit lang di tulad ng sa kapitbahay na isang linggo bago humupa.
Kainis, sarap nilang pag-untugin nung babae. Talaga lang ha, sa condo pa niya. Di siya natakot na baka ako ang makahuli dahil alam ko ang passcode. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. "Kuya, para!" sabi ko.
Huminto ang jeep kaya bumaba na ko. Ngayon tama nga si Johnny Depp, If you really loved the first one, you wouldn't have fallen for the second. Siguro way na rin 'yon na malaman ko ang kalokohan ni Rod, at bonus na lang na di ako gaanong nasaktan kahit papaano dahil nabasawan na ang pagmamahal ko sakanya dahil kay Clade.
"Clade.." I muttered. Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko. Ang daming tawag ni Rod. Siguro napansin na niyang ako yung pumasok ng condo niya. Di ko pinansin ang number ni Rod at tinawagan si Clade. I need him right now. Isang ring lang ay sinagot na niya. Naghintay akong makatawid ng kalsada dahil nasa kabila pa ang apartment.
'Hello? Where are you,Cy?" bungad niya. Halata sa boses niya ang pag-aalala.
"Pauwi na ko ng bahay. Bakit?" sagot ko at inaabangan ang tiyempo para makatawid. Madaming sasakyan na nagdadaan kasi. Halos di ko nga makita ang apartment ko dahil ang nakaharang ay truck.
"Saan ka galing? Nandito ko sa tapat ng bahay mo..." bumilis ang tibok ng puso ko.
"B-bakit?"
"Wala, nag-aalala ko sayo dahil sabi mo nga.. masama ang pakiramdam mo." napangiti ako dahil sa concern niya. As on cue, umandar na ang truck na nakaharang at doon ko siya nakita, He's wearing a blue polo tucked under a black slacks. Hawak ng kanang kamay niya ang phone at nakatapat sa tenga. Hinahanap niya ko gamit ang mata, napangiti ako lalo, halatang kakaalis lang niya sa trabaho. Dito kaya siya dumiretso?
"Asan ka?"
"I'm here." sagot ko. Patuloy siya sa paghahanap at nung time na nakita na niya ko, that captivating brown eyes. He literally took my breath away.
In-end ko na yung tawag at tumawid ng kalsada ng nakahanap ako ng tiyempo. Niyakap ko siya ng nakasabit ang magkabila kong braso sa leeg niya. Niyakap niya ko pabalik, gusto kong umiyak. Gustong gusto ko pero alam kong masasaktan siya dahil ang dahilan ng pag-iyak ko ay ang lalaking kaagaw niya sa'kin.
"Are you okay?" he asked. Umiling lang ako at nagsumiksik sa leeg niya. Ayokong magsalita dahil baka maiyak lang ako. Tahimik lang kami ng ilang minuto ng ganong posisyon.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
Ficción GeneralLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...