Possessive: Je ne peux pas partir sans vous

5.2K 93 5
                                    

Chapter Two: Je ne peux pas partir sans vous

"Girl, bakit ka nakashirt? Di bagay sa okasyon."bulong ni Axel. Pinasadahan niya ulit ako ng tingin. Nakat-shirt akong turtle neck habang nakaskater skirt. Para kong teenager pero ayos na 'to. Kesa naman mapahiya ako sa mga bisitang makakakita ng bitemark sa leeg ko. Ano ko kinagat ng bampira? Psh!

"Ayos lang naman ah. Cute ko nga,"

Umirap siya, obvious na di pasok sa kanyang fashion. Arte talaga ng baklang 'to!

"Asan si Lynne? Di na naman sumama?" Nagpanic ang mukha ni Axel. Di alam ang sasabihin. Kumunot ang noo kong tinignan siya. Ganito na lang palagi ang nangyayari. Nung nakaraan din 'e, di sumipot si Lynne sa birthday ni Clade. Parang may iniiwasan o ano. Siguro dahil empleyado? Di rin. Ako naman nag-invite sakanila.

"Ewan ko don! Wala sa unit." Tinulak niya ko bigla. "Magpalit ka na kasi. Di talaga bagay. Magsisisi ka sa huli, sige."

"Bakit naman?" Dumating si Clade kaya di na sumagot si Axel. Tumikhim ito at nagpaalam sakin. Tumango lang ako dahil nakuha na ni Clade ang atensyon ko. Ang bango lang niya. He's wearing a polo na nakatupi hanggang sa siko at maong pants.

"Attention seeker." bulong ko ng nakahawak siya sa bewang ko. Ngumisi siya at hinalikan ako sa noo.

"Ang bango mo." Napakagat labi ako. Siya kaya ang mabango. Hindi ako!

Lumayo siya sa'kin at pinasadahan ako ng tingin. Ano bang trip ng mga 'to? Kanina pa ko tinitignan. Ang kakaiba lang ngayon, kinikilabutan ako sa tingin ni Clade. 'Yung kay Axel kasi walang epekto. 'Yung kay Clade nakakalambot ng tuhod.

"Whats wrong? Lahat kayo tinitignan ang suot ko," sabi ko ng naiinis. Chineck ako kanina ng mama ni Clade, ang sabi pa niya,

'Hija, anong suot mo? Para kang teenager na gagala ng mall. Change before the event begins." Sabay walk out at dumiretso sa loob.

Then si Axel, ngayon si Clade. Gabi naman, anong problema don?

"Bakit required bang magdress ngayon? Di naman formal party." Pinagkrus ko ang braso ko. Himala nga ngayon na pumayag ang mama ni Clade na simplehan lang ang birthday party ng anak. Request kasi ni Clade dahil daw gusto niyang mga kapamilya at friends lang niya ang makasama niya sa kanyang birthday ngayon. Nung nakaraan halos buong empleyado ng company nila nandoon, invited.

Hinawakan niya ko sa magkabilang braso at niyakap bigla. "Di naman, bagay sayo... kaso magdress ka na lang kaya?"

Napasimangot ako, "Parang ganon din. Compliment lang sa una.. bakit nga kasi?"

Kinurot niya ang tagiliran ko, tumaas kaagad ang balahibo ko. "Clade!" suway ko.

"Magbihis ka na kasi, nasa kwarto ko ang dress." He whispered in my ears. Napairap ako. Ano ko papasok na lang bigla sa bahay nila at aakyat sa kwarto niya? Asa. Baka mamaya mapagkamalan pa kong magnanakaw ng mama niya. Mahirap na 'no!

"Ayaw." Kinagat ko ang labi ko. "Gago ka kasi. Kung anu-ano ang pinaggagagawa!"

Himutok ko na ikinatawa niya. Nagulat pa ko ng hinawi niya ang collar ng t-shirt ko. Napahawak ako sa leeg kong may sign pa din nung kagat niya. "Wala naman na."

Sinuntok ko siya sa braso. "Anong wala! Meron pa. Nakakapa ko, 'wag kang ano diyan."

Tumawa siya. Magrereklamo pa dapat ako ng dumating si Mrs. Hererra. "Kayong dalawa, tama na ang lampungan. Pasok na. Ikaw magbihis ka don sa loob ng bahay."

Nagkatinginan kami ni Clade at iginiya ng pumasok. Nasa may gate lang kasi kami kanina. Pagkapasok namin ay garden kaagad ang sumalubong at ang malaking bahay. Maraming makukulay na ilaw sa mga puno. Naweirduhan naman ako. Dati naman di ganito. Sa mga lamppost lang ang nagsisilbing ilaw.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon