Possessive: Quarrel

4.2K 76 1
                                    

Chapter Five: Quarrel

"Tulungan na kita." Pag-alok ko kay Zyra sa mga dala niyang folders. Napakadami na halos hindi na makita ang mukha niya. Siguradong di na rin niya nakikita ang dinadaanan kaya mas maagang matulungan.

"Okay lang, kaya ko naman."

"I insist. Sige na. Ang dami niyan." Wala siyang nagawa sa huli ng kumuha ko ng kalahating folders.

"Saan ba 'to?"

"Kay Sir June,"

Pinindot ko ang button ng fifth floor.

"Cyrish, lapit na a'," ngumiti siya sa'kin.

"Oo nga e', bigay ko sayo 'yung mga invitations ninyo mamaya. Pwedeng ikaw na magbigay sa iba? Uuwi kasi ko kaagad," I sighed, "..prepations."

Tumango siya, "Oo naman. Sure. Ako na, thanks sa invitation ha? Pati don sa pag-propose sayo. Di ko akalaing makakawitness ng romantic scene katulad ng inyo. At gosh, di ko akalaing magiging part kami. Kakilig! Di ako makaget over kahit matagal na! Hahaha."

I laughed, "Parehas lang tayo. Ako man di makaget over. Feeling ko nandoon pa din ako sa scenarion na 'yon. Kapag nga iniisip ko, it's surreal. Alam mo 'yon? Parang hindi kasi makatotohanan na mangyayari sa'kin."

Nagtitili si Zyra. "Feel kita! Kinikilig ako kahit di ako ang niluhuran! Sana ganyan din ang akin." Nagpout siya at di ko mapigilang di mapangiti.

Kaming dalawa lang ang nasa elevator kaya nakakausap niya ko ng diretso. Walang Ma'am o may paggalang in a way na may po at opo.  Ayoko nga ng tinatawag nila ko ng ganun lalo pa ang mga ka-close ko na... pero syempre nasa work kami. Act professional at formality na lang din.

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami.

"Makakahanap ka din ng iyo." sagot ko ng nakatingin sakanya. Napahinto siya na parang nakakita ng artista—na starstruck. Napakunot noo pa ko sa sinabi niya ng mahina,

"Nakahanap na ata ako, must be love!"

Tinignan ko ang tinititigan niya. Kung siya parang nakakita ng artista, ako naman parang nakakita lang ng multo.

Nabitawan ko pa ang mga folders. Madali ko namang pinulot dahil sa pagkatanga. Shems! Sabi na nga ba at magkikita't magkikita kami dito ng ganito kalapit.

"Hala! Ma'am Cy!" paghysterical ni Zyra ng matauhan sa pagpapantansya kay Rod, at nakita ang mga folders na bumagsak sa sahig.

'Malamang, Cy! Nasa iisang kompanya kayo kaya magkikita't magkikita talaga kayong dalawa. Pasalamat ka ng dahil napadala siya sa ibang bansa ng dalawang taon. Binigyan ka ng oras para sa ganitong sitwasyon. Utak naman!' sabat ng isip ko. Napailing ako at binilisan ang pagpulot ng folders na kay rami.

"Let me help you, Miss Cyrish." Lumuhod na siya para tulungan ako. Ang tagal ko na ding nakikita ang mukha at naririnig ang boses ng lalaking 'to. Almost two years.

Umiling kaagad ako, "H-hindi na kailangan, Rod."

Nagkatinginan kami at sinamaan lang niya ko ng tingin. Kinuha na niya ang ilang folders na nasa sahig.

Napailing na lang ako, I give up. Sige, tulong lang naman.

"Magkakilala po kayo?"

Nilingon ni Rod si Zyra. "Yes, Miss Zyra. Why did you asked anyway?"

Tumayo na ko sa pagsabay din ng pagtayo ni Rod na may mga hawak na iilang folders.

Namula ang pisngi ni Zyra at mabilis na umiling. "W-wala naman po."

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon