Obsessive love: Another Lovestory begans

3.4K 52 3
                                    

Chapter Five: Another love story begans..

I woke up with an alarm ringing and buzzing at my side. Napasimangot ako kasabay ng pagkapa sa tabihan ko. Unfortunately, hindi si Clade and inabutan ko kung hindi ang alarm clock na walang tigil sa ingay. In-off ko ito ng matigil at bumangon ako ng kama. Hindi pa ko nakakahakbang ay napansin ko na kaagad ang isang napakalaking bouquet ng red roses sa table na kalapit ng bintana. Lumapit ako roon at halos yakapin ko ito sa laki. Mga one hundred pieces of roses ata 'to. Kinuha ko ang nakaipit na card.

'Cyrish, I'm sorry if I didn't wake you up when I leave. I need to go early in the company. More works to do. I hope this roses make you smile, my love. I love you. I'll be home early. Promise.'

Hindi matanggal ang ngiti ko 'pagkatapos mabasa ang sulat niya mismo. Naligo ako at nag-ayos ng sarili para sa trabaho. Hindi na ko kumain sa bahay dahil kukulitin lang ako ng aking biyenan kung kelan ko balak magkaaanak etc. Nasagi naman na ng utak ko 'yon, ayoko pa lang talaga. I know he wants a child. Kung dadating, okay tatanggapin ko. Pero kung wala pa, mas okay. Gusto ko munang magtrabaho at di mamalagi ng bahay. Lalo pa kung makakasama ko lang sa bahay ay si Tita Karylle, no thanks. Baka makunan ako ng dahil sa stress.

Dumating ako sa trabaho ng magkasabay kami sa elevator ni Zyra. As I assumed, she didn't greet me. Dire diretso lang siya sa paglabas ng elevator ng bumukas ito. What should I expect? She's still mad. Upset with my lying strategies. So it is a hard day, isn't it?

--

"Ano na nangyari?" Tinignan ko si Jess ng mataman na tingin. Napaismid siya at humarap sa salamin. Naglagay ng lipstick sa manipis niyang labi.

"Alam mo halata naman kasi na may past kayo." Natignan ko siya sa reflection ng salamin. "Lalo na sa posisyon ko. 'Yung pag-uusap niyo sa HR. 'Yung mga kilos at salita. Madali namang mafeel. Sadyang dense lang 'yung iba."

"Ganon ba kalahata ang ilangan?"

"Medyo. Pero doon sa nadatnan namin sa resto. Masaya kang kausap siya. Ibig sabihin nun nakamoved on na kayo sa isa't isa." Tinuro pa niya ko sa salamin ng may halong tingin ng nakasama. "At hindi na pwede. Kawawa naman si Clade kapag nagkataon."

"Mali ka naman diyan. Walang namamagitan sa amin ni Rod. I love Clade so much that it cause.." Hindi natuloy ang sinabi ko dahil bumukas bigla ang isa sa mga cubicle. Nagulat pa kami ni Jess na si Zyra ang laman non.

"If you love Clade so much," lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. "please.. Layuan mo na si Rod."

"Ano?" Bulalas ni Jess. Si Zyra ay nakatingin lang sa akin. "I'm sorry for what I've done. I didn't mean all of that. Nadala lang ako ng galit."

"I know, Zyra. I know.." Pinisil ko ang nakahawak niyang kamay sa akin at ngumiti. So she finally understand.

She sighed. "Anyway, wala naman akong dapat ikagalit dahil hindi niya ko magustuhan. Hindi mo rin kasalanan na ayaw niya sakin. Sorry talaga sa inyong dalawa. Pati sayo Jess, naartehan kita ng nagkagalit kami." Tumango lang si Jess at niyakap kaming dalawa ni Zyra.

"Wag mong isipin na di ka niya gusto. Malay mo naman meron." sabi ko ng nakalas na kami sa yakapan. Napailing si Zyra.

"Ayokong umasa. Ayokong ipilit ang sarili ko sa iba dahil sa bandang huli, ako rin mismo ang masasaktan."

"Ay sus, pa deep." Asar ni Jess at isinukbit na ang bag sa balikat niya. Natawa kami kasabay ng huling pag-ayos ng sarili bago lumabas ng powder room.

"Uuwi na ba kayo?" Jess asked nung nasa labas na kami.

"Yep," tumaas baba ang kilay ko. Napasimangot si Zyra. "Sama ka na samin please. Kain tayo sa labas. Libre ko, pambawi ko sa pagkabitch mode ko. Please?"

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon