Chapter Thirteen: You'll never find another me
So many memories, I wonder what you do
I'm still like this, thinking you might come back
I'm never like this
I've never been like this
Love is so potent, I must have not sobered up yet
Fell for your so sweet words
Now alone, I'm falling down I'm falling down
I shouldn't have met you
I didn't know it would turn out like this
Are we over this easily?
You're gone, regrets are useless
-Lonely, Hyorin (English Translation)-
Happy memories are so hard to forget. Every time I close my eyes, para kong taong mamamatay na dahil lahat ng alaala kong kasama siya ay bumabalik. Mula sa elevator, hanggang sa huling happy memories na meron kami. Parang may instant play button. Paulit ulit na naaalala, paulit ulit din ang sakit na sumasaksak sa puso ko. Dinaig ko pa ang throwback Thursday at flashback Friday.
"Ate Cy," tinignan ko lang ang kapatid kong may hawak na tray na naglalaman ng gamot at pagkain ko. "Kumain ka naman na ng marami, please? Nag-aalala na kami sayo. Baka mas lalo ka niyang maghina. Kumain ka na ate. Pretty please?"
Dahan dahan akong sumandal sa headboard at naupo mula sa pagkakahiga sa kama. Tinitigan ko lang ang kapatid kong si Cydney at umiling. Napatungo siya at inilapag sa sidetable ang tray. Kinuha ko ang gamot sa sakit ng ulo at ininom ng walang kahit anong laman ang tiyan.
"Ate..." awa ang naririnig ko sa boses ni Cydney. May luha sa mata niya. Eto ba? Eto ba ang dapat na ipinapakita ko sa kapatid ko? 'Yung mahina at bigo. I pity myself. Kung dati ay tinitingala ako ni Cyd, ngayon ay alam kong wala na. Hindi na ako 'yung successful woman para sakanya.
"Magpapakamatay ka ba ha, Mariella? Isang linggo ka ng umiiyak, hindi kumakain at hindi natutulog mula ng umuwi ka rito sa Bulacan. 'Yan ba ang mukhang okay sayo?" Pumasok ng kwarto si mama at pinalabas muna si Cydney. "Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kaya pala iba na ang pakiramdam ko ng dumalaw kami sainyo. Kung alam ko lang na sinasaktan ka na niya nung nakaraan, ako na mismo ang nag-alis sayo sa puder niya."
Nahiga ako sa kama at binalot ang sarili mg kumot. "Ma, please iwan mo na ko kung pagsasabihan mo lang ako." Ayoko ng makarinig ng sermon. Alam kong mali ako. Hindi na kailangang ipagdukdukan sa utak ko. Ang kailangan ko ngayon ay ang taong mapagsasabihan ko, 'yung magulang na handang makinig hindi katulad ng ginagawa nila. 'Yung masasabihan ko ng mga hinanakit ko.
"Don't be a nag, Ma. Yakap lang naman ang hinahanap ko. A mother's hug that will ease the pain." Baka sakaling mawala kahit papaano ang sakit. Baka mabalik ako dati at maging okay. Gusto kong sabihin 'yon sa ina ko pero naalala ko nga pala, kahit kelan naman ay hindi ako naging close sakanila. Hindi naman ako sanay na nagiging sweet sila sa'kin at masyadong attach.
"Sige, bahala ka. Buhay mo 'yan. Nandito lang kami para suportahan at kuhanin ka kapag nasasaktan at umuuwing luhaan. Hindi na sa amin para na lang sayo, tulungan mong maging okay ka. Hayaan mo na siya. Nandito naman kaming tunay mong pamilya, 'nak." Hinaplos niya ang pisngi ko bago umalis. Mas napaiyak ako ng maiwang mag-isa. Ang dami ng problema at sama ng loob ang dinadala ng dibdib ko. Para kong sasabog sa sobrang dami ng emosyon. At kahit isa ay wala akong karamay. I feel so alone and lonely. I missed him badly.
Pati dito sa kwarto ay naaalala ko siya. At katumbas ng memories ay ang sakit na nararamdaman ko sa puso. Parang gusto ko na lang mamatay dahil ang bigat ng pakiramamdam ko. May sakit na ko kakaiyak, hindi sapat na tulog at hindi madalasang pagkain ng sapat.
Bakit ang sakit sakit? Ako 'yung nang-iwan, diba? Ako dapat 'yung okay at di nasasaktan. Ako dapat ang masaya kasi nakaalis na ko sa puder niya. Nawala na dapat ang takot ko sa tuwing nakikita siyang nagagalit.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...