Love: I'm not okay

5.2K 112 2
                                    

Chapter Ten: I'm not okay

The next day, pumasok ako ng malaki ang eyebags. Di ako nakatulog kakaisip ng mangyayari sa araw na 'to. Ang hirap palang umarteng okay ang lahat kahit hindi. Tumawag kagabi si Clade, sinunod ko ang gusto nila Lynne na umarteng walang nangyari. Nakipag-usap ako sakanya ng kaswal lang hanggang matapos. Ang hirap kasi kating-kati na ang bibig kong itanong sakanya kung totoo ba lahat ng 'yon.

Mabigat ang pakiramdam ko nung nakaraan, mas nadagdagan pa ngayon dahil kay Clade. Nakalimutan ko nga kahit pansamantala ang pang gagago ni Rod, lolokohin din pala ko nung pangalawa. Mas komplikado pa dahil tumatagilid ako sa trabaho. Mas naghigpit sa akin si Miss Ivy, at ang mga ka-department ko, co-employees ko ay nahuhuli kong iilan na tinitignan ako. Nakakarindi pero eto ata ang consequences ng pagmamahal ng dalawang lalaki. Ang bilis bumalik ng karma!

Syempre, dinaramdam ko pero nginingiti ko na lang para di ako mastress. Pinagbalewala ko na lang muna.

The next next day, pumasok ulit ako dahil kailangan para may mapang gastos ako. I'm still pretending to be cool even when I'm not. Ngumingiti na lang ako kina Lynne at Axel kapag tinatanong nila ko kung okay ako kapag nakakarinig ng bulungan about sa'kin. Kumakalat na ang chismis sa buong building. Ganoon kabilis at mali pa, inaakit ko raw ang CEO. Masakit masabihan ng malandi, gold digger at iba pang masasakit na salita. Kaso anong gagawin ko? Aawayin sila? Iyon ang di ko magagawa.

Unang una, nasa trabaho ako at ayoko ng madagdagan pa ang bad impression sakin. Pangalawa, ayoko silang patulan dahil kung ginawa ko 'yon ay parang bumaba na din ako sa level nila. Ayokong gumawa ng eksena dahil mas lalaki pa ang chismis. Nakakahiya naman sa tinapos ko. Nag-aral akong tao tapos aasal kalye 'ko. Tss, malandi. Tanggap ko na dahil ganon ako nung nakaraan, but the heck. I learned from my mistakes.

Another day, napressured na talaga ko. Ayoko ng pumasok dahil ang hirap makisama. Bawat kibot, kilos ko ay nakatingin sila. Di ko na kayang umarteng pacool dahil nasasaktan na ko! Naiiyak na nga ako kung minsan kaso tinatatagan ko lang ang sarili ko. Tao din ako nasasaktan. Di kasi nila alam. They doesn't know the real story. They just concluded what their brain thinks. Nag-isip sila kaagad ng di maganda sa kapwa. Ito 'yung sinasabi kong crab mentality, nakahanap sila ng kahinaan ko kaya ibabagsak nila ko sa pamamagitan ng pagchichismis. Mga judgemental. Kung ano lang ang nakita, iyon na ang paniniwalaan.

Mamatay matay pa ko sa pag-iisip ng mga kasagutan sa mga tanong na di pa nasasagot ni Clade. Nagtataka din ako kung bakit di ko magawang magalit kay Clade. Siguro dahil di ko pa alam ang totoo? Tanga din kase ko, di ko tinatanong. Arte lang ako ng arte na akala mo ayos ako kahit hindi.

"Hindi ko na kayang umarte. Bwisit!" bulong ko sa sarili. Kinuha ko sa bag ang cellphone at tinawagan si Clade. Lintek kasi, bakit ba ko nagpapadikta? Ayoko ng ganito. Ayoko ng may nasusunod para sa sarili ko. Inaamin ko, I'm vulnerable but I can't depend on others. Natutunan ko 'yon ng nasa puder ako ng magulang ko. Lumaki kong parang ako lang din na mag-isa. Kesa alagaan ng magulang ang anak nila ay walang ibang ginawa kundi mag-away. Sigaw rito, balibag ng gamit doon. Doon ako natutong di dumepende sa iba, sa sarili ko lang. At nang dahil doon kaya rin ako lumaking inaalam ang nararamdaman ng ibang tao sa paligid ko. Naaapektuhan sa sinasabi ng iba. Ayokong matulad sa magulang kong walang pakialam sa iba kung maingayan, mainis, matakot man sa sigawan nila pag nag-aaway. Kung pati nga anak nila wala silang pake. Basta mga sarili lang nila ang iniisip. Nakakasawa rin.

"Nasaan ka?" tanong ko, wala na kong pake kung marinig ng mga dakila kong co-employees. Napatikhim siya. Nasa taas ka ba ng building na 'to?

"Ano? Nasaan? Sa trabaho mo?"

"Bakit? Okay ka lang ba?" napairap ako. Iniiwas sagutin. Kaasar! At bakit ba lahat itinatanong 'yan, sa tingin ba nila okay ako ngayon?

Napahilot ako sa sentido ko. "Just answer my question!" mahina ngunit may diin kong sabi. Bilis, sagot na Clade! Don't even dare to lie kundi... nako!

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon