Possessive: Reluctant

3.7K 68 0
                                    

Chapter Nine- Reluctant

"Cyrish.." Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Nawala ang ngiti ko ng makitang si Lynne pala. Kinabahan ako bigla sa pagtawag niya. Siya na lang mag-isa ngayon at nakalayo ang boyfriend.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Pakiusap niya. Kumalas ng yakap si Clade sa akin at doon ako tumingin sakanya. Tinignan lang niya ko ng natural. Itinagilid niya ang kanyang ulo na parang nagsasabing sumama ko sa kapatid.

"Mag-usap kayo. Kailangan nyo 'yan.' sinabi ni Clade at hinalikan ako sa noo bago lumayo. Lumapit siya sa kanyang mama na may kasayaw na iba. Kinuha niya si Tita Karylle at isinayaw. Nang nag-usap na sila habang nagsway ay doon na ko tumingin kay Lynne at ngumiti ng tipid.

"Lets go," sabi ko. Ngumiti siya at naunang lumakad sa kanyang gown. Umalis kami sa pavilion at nagtungo sa garden ng resort. Yes, its a resort for the reception. Pinarentahan ang buong resort para rito sa wedding. Lahat ng mga guest ay pwedeng magstay at mag-enjoy hanggang bukas.

Niyakap ko ang sarili ng maramdaman ang malamig na hangin. Napadaan kami sa isang pool na may nagswim na mga guest. Isa silang pamilya, I guess. May baby pa nga silang hawak-hawak na mga one year old ata sa pagkakahula ko. Ngumiti lang ako sa kanila ng mapansin akong napadaan.

Naglakad pa kami ni Lynne hanggang makarating sa gazebo na walang tao. Medyo madilim sa parteng iyon at liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw.

Di ko siya tinitignan ng humarap siya sa'kin. Yakap ko lang ang braso ko habang nakatingin sa gilid ko.

"I'm sorry,"

Napatingin ako sakanya ng nagtataka. Tinaasan ko siya ng kilay. Napatawa siya sa reaksyon ko.

Lumakad siya papalapit sa'kin ng nakangiti. "I'm sorry, okay? Wag mo ng ipaulit. Di ko na sasabihin." Niyakap niya ko ng mahigpit. Napatawa ko kasabay ng pag-iling.

"Bruha ka talaga," tanging nasabi ko. Unbelievable. Di ko akalaing magso-sorry pa siya sa'kin ulit pagkatapos ng pag-alis ko sa bahay nila nung unang nagsorry siya, nung nalaman kong siya ang kapatid ni Clade. Once she said sorry, hindi na niya uulitin pa. Para sakanya, once is enough to apologize. Nasa tao na 'yon kung tatanggapin o ano. Sa case namin, di ko tinanggap. Nagalit ako e, anong magagawa ko. Akala ko pinaglalaruan niya ko noon.

Kaya nakakapagtaka na sabihin niya ulit pagkatapos ng madaming nangyaring di namin pagpapansinan. Ilang linggo din. Kamiss ang babaeng 'to!

"I missed you, Cy. Really. Walang halong kaplastikan." kumalas siya sa yakap. "Alam mo naman, si Axel puro kalandian ang inaatupag. Wala kong makausap na matino."

Tumawa ako, "Paano lumayo ka. Hindi naman kita makausap kasi pinalipas ko muna ang galit ko, tapos naging busy."

"Oo nga e, ako man busy sa work." Umirap siya.

I let out a sarcastic laugh. "Oh really? Work lang ba?"

Nanliit ang mata niyang tinignan ako. "Work, life and lovelife. Yes, lovelife." Napakunot noo ako sa tila pagod niyang sinabi ang lovelife.

"Bakit parang di ka masaya?"

Tinignan niya lang ako hanggang sa naupo sa hagdan ng gazebo. Nakapatong ang baba niya sa kamay na nakapatong sa hita. Nakiupo lang din ako kahit hirap na hirap dahil sa gown. Ginusto ko ang ganitong klaseng gown e, face the consequences.

"Bakit ba?"

She gave out a heavy sigh. Nakatingin lang siya sa damuhan. "Hindi ko siya mahal, Cy."

Napatango ako, "Alam ko. Nasabi sa'kin ng kuya mo."

Napatingin siya sa'kin ng bigla. "Alam ni Clade?"

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon