Obsessive Love: He was wrecked, she was hurt [ Part I]

3.6K 48 1
                                    

Chapter Eleven: He was wrecked, she was hurt

"Are you okay?" Axel asked worriedly.

"Yes I'm perfectly fine. Why did you asked by the way?" Tumingin ako sakanya ng nakangiti. Napailing na lang siya at nginitian ako pabalik. Good, Axel. You got me. Now, you're not insensitive anymore.

"Bakit mo nga pala ko pinapunta dito?" Tumingin ako sa paligid. Maraming tao na umiinom ng coffee. Malamang nasa coffeeshop kami kaya maraming umiinom ng kape. Hay nako..

"Wala naman. About lang dun kay Ivy." panimula niya. Napatikhim lang ako. I know na 'yan ang sasabihan niya. Everything about his Ivy darling. "Alam kong nag-away kayo ni-"

"Natural lang 'yon sa mag-asawa kaya don't worry." I cocked my head. He just nodded. Hindi na ata kami magkakabati. Ordinaryo lang 'yon sa mag-asawa kaya don't worry. Damn!

"Hindi ko na maibibigay 'yung evidence so wala na kong pakinabang dyan, Axel. Na kay Clade iyon at wala na kong balak kuhanin so sorry." Inunahan ko na siya kung sakali. Kung pakukuha o hihingin pa niya ulit sa'kin iyon ay hindi ko na alam ang gagawin. Baka magwala na ko dito. Halata naman sa mukha ko ang miserable kaya please lang!

Façade is my middle name. Pretending that I'm okay is my hobby.

Bago pa siya magsalita ay umalis na ko ng coffeeshop at sumakay ng taxi. Dumiretso ako sa apartment ko dati at doon nagstay maghapon. Inayos ko ang mga gamit kong ipapadala sa Bulacan. Ibibigay ko na mamaya ang susi ng apartment sa landlady dahil nasasayang lang ang bayad ko at ang lugar. Hindi naman natitirhan kaya kailangan ko ng i- surrender para may iba namang makinabang.

Inaayos ko na ang mga boxes ng may kumatok. "Oh Rod, what are you doing here?"

Hindi siya nagsalita at naupo lang sa sofa. I just shrugged. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng mga gamit.

"Naisip mo ba kung minsan kung bakit tayo nagkahiwalay noon?" Napahinto ako sa paglalagay ng packing tape sa box at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi na mula nung naging kami ni Clade. Bakit mo naitanong?"

"Wala lang," kibit balikat niyang sagot. Napaisip ako. Bakit nga ba? Ah, nagloko ako. Nagloko siya. We hurt eact other back then.

"Sino ba 'yung kahalikan mo noon?" Napatikhim siya samantalang napangiwi ako sa pagkakatanong ko. Jusmio, bumabalik na naman ang pagkawala ng filter ng bibig ko, ano?

"I mean, sino ba 'yung babae mo na 'yon ha?" Napatingin siya sa'kin na parang sinasabi na kailangan ko pa bang itanong 'yon. Kasi naman, e. Inungkat ungkat pa niya, ayan tuloy.

"Wag mo ng alamin. Hindi mo rin naman kilala." Napatango na lang ako. Okay, I knew it. Ayaw ng ungkatin ang tungkol kay girl. Hindi ko rin naman kilala at hindi ko rin naman nakita kung sino siya. Nakatalikod kasi nun si girl at ang nakaharap sa pwesto ko ay si Rod.

"Anyway, bakit ba mukha kang problemado?"

"Ikaw din naman," sabat niya. I hissed.

"Mabalik sayo, bakit nga?"

Kumunot ang noo niya at biglang nairita. Naupo ako sa box at humalikipkip. "Rod, I know you for almost-"

"Oo na, oo na." Tumikhim siya. "Nag-away kami ni Zyra."

"Ano? Bakit?" Napatayo ako at hinampas siya ng throw pillow.

"Baka naman niloko mo rin ha!" Hinarang niya ang braso niya para pang self defense. Kinuha niya ang throw pillow na panghampas ko at dinaganan. "Let me explain!"

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon