Alliah's POV
Umiyak lang ako ng umiyak sa playground. I let myself cry just for once. Let my weakness attacks. At least dito walang makakakita sa akin bukod sa mga batang walang kamalay malay sa mundo. Sana bumalik na lang ako sa pagkabata tulad ng noon. Noong magkakasundo pa kami nila Clade at Yael. That time when I'm their princess. They cared and loved me for being their little sister. I missed my brothers. Especially, Clade. I even called him kuya. Nawala lang 'yon ng naging teenagers kami. Nagkaiba iba ang mga hilig. Naging dahilan para puro kami away at nagkalayo layo.
Nakaupo ako sa swing at patuloy sa pag-iyak. Naalala ko pa noon dito rin sa playground na 'to, nasugatan ang tuhod ko at nandiyan ang kuya Clade ko para alagaan at patahanin ako. Sana ganon din ngayon, sana nandito siya para patahanin ako at sabihin ng "okay lang 'yan. Mawawala din ang sakit."
I smiled bitterly. Asa naman akong mapunta ang dalawang kapatid ko rito. Mas malabo pa sa iyak ko ang possibility kay Yael. Kung ang pamilya nga niya, nakalimutan ng bisitahin dahil sa babae niya, pumunta pa kaya dito? Lalo naman 'yang si Clade, paano pa pupunta 'yon kung busy kay Cyrish? Kayang kaya na nga niya kong sigawan at saktan sa mga sinasabi niya. Parang hindi kapatid ang kausap kundi isang empleyado na nakagawa ng mali. Puntahan pa ko? Don't assume, Alliah Lynne. It sucks bigtime. Accept the fact that nobody cares for you. You are alone.
Pinunasan ko ang luha ko ng biglang nakita ang kanina ko pa hinihiling na mapunta dito. What the hell is he doing here?
"C-clade?" Natensed ako nung lumuhod siya sa harap ko at inalis lahat ng nakasagabal na buhok sa mukha ko.
"Why are you crying?" His voice was gentle and full of concern. I shook my head at iniwas ang tingin.
Tumikhim ako, "What are you doing here?" tinapangan ko ang boses ko. He cupped my face and gently wiped the tears using his thumb.
"Why are you crying, my princess?" Doon ako napatingin sa kanya. "Don't cry please. Nandito na ang kuya mo."
Hindi ko na napigilang hindi siya yakapin at umiyak. Hinagod niya ang likod ko at humingi ng sorry sa pagsigaw niya sa akin nung nakaraang araw. Umiling lang ako.
"Sorry, Alliah. I've been hard on you. You're my sister and I should trust you in your decisions. I'm sorry. Ayoko lang namang mapahiya ka ulit. Alam ko na ang totoo. I would do my job to make Ivy pay in her crime."
That afternoon, bumalik ang dating kami ni Clade. Umuwi kami sa bahay ng magkasabay at nagtaka si Cyrish doon. First time daw niyang makita kaming dalawa na magkasabay umuwi. Hinayaan ko na lang at hindi na sumagot bagkus nilaro na lang si Scarlett na pamangkin namin ni Clade.
Nung na kina Clade si Scarlett nung gabi ay dumiretso ko sa bar. Nung dumaan ako sa kwarto nila ay narinig ko pa ang tawanan nila. Kapag nagkaanak ang mga 'yan, I'm sure they will be good parents.
I'm still not okay so I needed to unwind. Maingay at mausok sa dancefloor. Ako naman ay nasa counter at kinakausap ang bartender na nilalandi ako. Typical night of mine kapag hindi kasama si Cyrish at Axel.
"Oh get lost." exhausted kong pagkakasabi habang winawasiwas ang kamay ko. I don't need some panakip butas again. I'm not a flirty girl. "Just mix my tequila."
Natawa ang bartender at ginawa na ang trabaho niya. Ngumiti lang ako ng asar. Every time I'm here, nilalandi niya ko. Ganon ba kahaba ang buhok ko?
Ininom ko ang tequila ng may tumabi sa akin at naupo sa kabilang bar stool. Oh my, another malandi na naman. "Alliah, you're here."
Napaupo ako ng ayos at tumango. "Obviously." Ngumiti ako ng pilit at ininom ang kasunod na shot. Napapikit ako ng umiikot na ang paningin ko.
"Lasing ka na ata. Hatid na kita?" Tinaas ko ang kamay ko. "Don't touch me, Rod. I still can't recover from my previous breakup."
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...