Love: Feel the Changes

5.6K 82 3
                                    

Chapter Eleven: Feel the changes

"I love you, Clade. Hindi kita iiwan kahit kailan. One thing I can assure you is my love. I'll always be in your side. I promise. " I feel him stiffened. Mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa kanya mula sa likuran. Ang dapat na ginagawa ko ngayon ay ang pagtatanong sakanya ng mga ginawa niyang mali. Kung bakit siya nagsinungaling sakin. Dapat ay galit ako pero wala. Di ko makuhang magalit lalo na sakanya. Simpleng haplos lang niya sa buhok ko o kahit sa paghawak ng aking kamay ay tumitiklop na kaagad ako. Nawawala kaagad lahat ng nararamdaman kong inis.

Tinanggal niya ang pagkakayakap at humarap siyang hawak ako sa magkabilang balikat. Tinignan niya ko sa mata at nagsalita. "Say it,"

Kumunot ang noo ko. Anong sasabihin ko? "Huh? What?"

"Sabihin mo sa'kin ng harapan. Ayoko ng nakatalikod ako."

Napatawa ako, jerk!

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Tinapatan ko din ang nakakalambot ng tuhod niyang tingin. "I love you. Di ako aalis sa buhay mo. Promise."

"Hindi convincing but still.." Hinalikan niya ko sa ilong. Nanghinayang naman ako. Akala ko sa labi. Malanding, Cyrish! "paniniwalaan ko pa rin. I love you more."

Magsasalita dapat ako ng dumampi ang labi niya sa labi ko. Nagulat pa ako ng hilahin niya ko sa bewang ng mas mapalapit ako sakanya. Ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya ay nagtungo sa leeg niya para ipulupot doon.

Somehow his kisses makes me feel weak. I am deeply inlove with him.

Napasandal ang likod ko sa glass wall ng opisina niya. Napasinghap ako ng makita ang nakakalulang ibaba ng building. Ang taas. Pakshet. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya napauwang ang labi ko. Doon naman niya ko sinunggaban ng malalim na halik.

Napapikit lang ako sa pagtugon ng halik niya. I'm drowned by his kisses when somebody knocked the door. Nakarinig kami ng mga yapak at may suminghap.

"Momol-momol lang?"gulat na pagkakasabi ng kilala kong boses. Itinulak ko si Clade at dumilat. Nakita ko ang mama ni Clade at ang nakilala kong boses, ang secretary ni Clade.

Nagsisi ako na dapat pala ay hindi na ko dumilat. Nakakatakot tumingin 'yung mama ni Clade. Sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

"You again? How nice. So tama nga ang kumakalat na chismis sa baba, Miss Aguilar." Kinuha pa nito ang pamaypay na pula sa secretary at nagpaypay ng nakataas kilay. Humarap naman si Clade at nilagay ako sa gilid niya.

"What are you doing here?" seryosong tanong niya sa ina. Kinuha ni Clade ang kamay ko at pinisil ito. Napatingin ako sa kanya at hinalikan lang niya ko sa ulo. Namula naman ang pisngi ko.

"Ahh, son." Nakanganga si Mrs. Hererra sa amin. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Naupo siya sa settee sa mini sala ng opisina samantalang kasunod ang secretary na nakatayo lang. "Stop being mushy. And to your question, I'm checking on you if you're doing great in my company.."

Napasandal siya at napairap. "But it seems, iba ang pinagkakaabalahan mo hijo."

Mas humigpit ang hawak ni Clade sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya na nakatingin naman kay Mrs. Hererra.

"Bukod sa iba ang pinagkakaabalahan mo, mukhang empleyado pa natin. Anong trip mo sa ngayon, Rusell?"

Napasama ang timpla ng mukha ni Clade. Hanggang ngayon di pa din ako sanay na marinig siyang tinatawag na Rusell. At hanggang ngayon natatakot ako sa mapanuring mata ng mama niya. Di man ako nakatingin, ramdam ko naman.

"Wala akong trip, Ma. At di na natin siya empleyado. Pinayagan ko na siyang mag-resign."

Tumawa ang kanyang mama, "Oh really? Bakit naman? Dahil gagawin mo siyang asawa?"

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon