Obsessive Love: Who do I believe?

3.2K 51 1
                                    

Chapter Nine: Who do I believe?

"Totoo ba 'yang sinasabi ninyo? Baka naman nagkakamali ka lang ng rinig o hinala."

"No. Alam ko, alam din ni Lynne. At napaka non sense ng pagkakatanggal niya." Napasandal ako sa settee dahil sa mga sinasabi ni Axel. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan.

"Baka naman may ginawa ka na ikinagalit niya," sabi ko kay Ivy na katabi ni Axel. Umiling siya na mas kinasakit ng ulo ko.

"Wala. Lahat naman ng ginawa ko ay para sa ikabubuti ng kompanya. Nung tinanggal niya ko ay sinigawan pa ko sa harap ng maraming tao. I was ashamed and insulted. I'll never do that. Aanhin ko naman ang nakaw na pera?" My lips turned into thin line. Clade will never do that. Hindi siya ganong klaseng tao. Nakita ko naman kung pano siya magmahal ng mga empleyado.

"Tinuturing na din niyang pamilya ang lahat ng nasa kompanya kaya impossible. Hindi niya magagawa 'yon." Umiling ako sa kanila.

"Totoo ang lahat. Nakita ko 'yon, Cyrish. At kahit kelan hindi ako gagawa ng kwento para lang sa mga ganito. Kaya niya nagawa 'yon ay dahil sayo. Nalaman niyang sinusungitan ka ni Ivy nung doon ka pa nagtratrabaho."

"It is ridiculous. Napakaliit namang bagay non, Axel. Dahil lang sa pagtataray ay ipapahiya na niya si Ivy? It's nonsense." I shrugged. "Kung totoo nga 'yan. Paano mo nalaman na dahil sa'kin ang dahilan at hindi sa perang sinabing ninakaw mo?"

"Sinabi niya sa'kin nung time na nasa opisina niya ko. Sinundan ko siya pagkatapos ng sinabi niya sa hallway ang pagnanakaw ko raw ng pera. It was just a stunt. Sinabi lang niya 'yon para may rason siyang matanggal ako kahit sa totoo ay dahil sa pagtataray at pang aapi ko sayo noon. I know it sounds ridiculous pero iyon ang totoo. He was obsessed." sagot ni Ivy.

"Kung sinabi niyang nagnakaw ka. Dapat nakakulong ka na ngayon. At nasaan ang pera na nawala?"

"Hindi ako makukulong dahil di naman totoo. Wala silang ebidensya." sagot ni Ivy.

"Nobody knows kung saan nilagay ng asawa mo ang perang kunwaring nawala. Siya ang may-ari kaya kayang kaya niyang gawin ang lahat ng ito ng walang nakakaalam. He was obsessed. Hindi mo ba nakikita? Napakaliit na bagay pinapatulan niya pa. At napakatagal na non. 'Wag mong sabihin na lahat ng umaway sayo o magtaray sayo ay kaya niyang patayin. He is crazy.' Napailing si Axel.

"Kung totoo 'yan. Patunayan ninyo sa'kin. Hanapin ninyo kung saan niya nilagay ang pera na nawala. 'Wag kang mag resign sa kompanya ng asawa ko, Axel. Gawin mo 'yon para sa ikalilinis ng pangalan ni Ivy at sa ikapaniniwala ko ng lahat ng 'yan."

Nanliit ang mata ni Axel. "Baliw ka rin ba? Delikado ang pinagagawa mo. At paano ko malalaman 'yon?"

I shrugged. "Ewan ko. Maghanap ka ng clues or something na magpapatunay. Tutulungan kita just in case. Hindi sa naniniwala ako sa kalokohan na 'yan pero para na din sa ikatatahimik nating tatlo." Hindi gagawin ni Clade ang ganon. It's a silly and nonsense things. Gusto ko lang ipakita sa kanila na mali sila ng akala. He will never do that. I know.

His lips turned also into thin line. "Okay fine. Papatunayan ko sayo na baliw ang asawa mo at delikado ka sa puder niya."

"Doon ka nagkakamali, Axel. He will never hurt me. And he's not crazy." Tumayo ako at isinukbit ang bag sa balikat. "Sana hindi ito ang maging dahilan para sa pagkasira ng pagkakaibigan natin, Axel Garcia."

Napaiwas ng tingin si Ivy samantalang si Axel ay napatingin sa'kin. Ngumiti lang ako ng malungkot at napatango. Dumiretso na ko ng alis sa unit dahil hindi ko maatim ang nangyayari. Bakit kasi kailangang maging ganito ang sitwasyon? Ang hirap lang kasi.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon