Chapter Three: I'll Never Leave You
"Cy...cyrish.." nahihirapan niyang sinabi. Natulala ako at nangilabot ng marinig ang boses niya. Am I dreaming?
"Mariella.." nilapitan ako ni mama at hinawakan sa braso para lumapit sa kama ni Clade. Doon ko nakumpirma na hindi nga ako nananaginip. Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng makalapit at nakatitig ang mga mata niya sa akin. He's finally awake!
Kinuha niya ang kamay ko at nilapit sa kanyang labi para halikan. Bigla akong nangilabot. Kasi naman kanina susuko na ako at heto 'ko ngayon. Kaharap siyang gising at nakangiti sa akin. I find it very awkward and at the same time ay parang binetray ko na naman siya. Ang hilig kong sumuko sa pagmamahalan naming dalawa.
"I told you, Cyrish! Magigising siya at ito na iyon. It is a miracle and thanks God for this early Christmas gift." saad ni Tita Karylle sa akin. Pinisil ni Clade ang kamay ko. Niyugyog pa ako ng mama niya sa sobrang kasiyahan. Dyusko, sana ganyan don ang reaskyon ko. Pero hindi, e. Mixed emotions ang nangyari.
Kinausap ng doktor ang lahat na kung sana ay limitahan muna ang mga bisita dahil mas mabuti sa pasyente ang magpahinga ng sa ganon ay makarecover ng mabilis. Sumunod naman sila Jess, Gerald at Axel. Ako dapat ang maghahatid dahil sa pagpumilit ko kaso sinabi ni mama na siya na lang at kailangan ako sa tabi ni Clade.
Nakasandal siya sa unan habang ako naman ay nasa gilid niya. Para kong mannequin doon, hindi umiimik at hindi nagsasalita. Hawak lang niya ang kamay ko habang nakikinig sa sinasabi ng mama niya. Si Lynne naman ay lumabas dahil kausap ang kadadating lang na si Rod.
"We never leave your side, right, Cyrish?" tumango lang ako kay Tita Karylle. Napatingin naman sa akin si Clade at ngumiti lang ako. I wish this to happens. And now it was granted, para naman akong tanga. Ang gulo ng utak at nararamdaman ko. Nahihiya kasi kong kausapin siya. Sa haba ng panahon na tulog siya, halos nine months ay nasanay akong hindi siya nakatingin at ngumingiti. Walang response. Ngayon ay para siyang multo na nagpakita ng walang pasabi. I was still in the state of shock.
—
Nag undergo ng mga treatments si Clade para ibalik ang dating siya. Sa tagal daw kasi ng pagkakatulog niya ay himala na nakapagsalita pa siya ng hindi gaanong nahihirapan. Tinutulungan din siya ng treatment para makapaglakad ulit at maigalaw ng maayos ang buong katawan.
Sa bawat pagpunta niya ng hospital para sa treatment ay palaging ako ang kasama. Doon kami nakatira sa bahay ni Tita Karylle ng sa ganon ay may katulong ako sa pag-aalaga sakanya. And besides, ayaw naming dalhin siya sa sarili naming bahay. Baka mamaya ay magkaroon siya ng bad behavior sa pagkakakita ng bahay, kung saan nangyari ang insidente. Sinabi na rin kasi ng doktor na bawal maistress o maalala ang mga bad things na nangyari in the pastime. It's a process daw ang pagpapaalala. Hindi 'yung biglaan dahil delikado. Trauma kasi.
Ang bilis ng panahon katulad ng mabilis niyang pagrecovery. Halos one month ay nakakalakad na siyang muli ng walang nakaalalay. Napuri pa siya ng doktor at sinabing dahil din daw siguro sa akin kaya nakarecover siya ng mabilis. Ganon daw talaga kapag may inspirasyon. Determinado.
Lumipas ang Christmas kasama ang extended family ko. Nagkaroon pa ng exchanged gifts kung saan nagkatuwaan ang lahat. Natukso na naman ako ng ang nakabunot sa akin ay si Clade. Nakatanggap ako ng isang pendant na nagpalambot ng puso ko. Pahugis puso siya at kapag inopen ay may picture naming dalawa nung kasal. Tapos may nakaimprint na napakaliit sa gilid na nagpaalala sa akin ng lahat ng pinagdaanan namin. Je ne peux pas partir sans vous.
I can't leave without you.
Masaya naman ako dahil magaling na siya at buo ng muli ang pagkatao ko. Fully recovery na nga siya at nagagawang lokohin ang kapatid na si Lynne. Pinagtritripan palagi. Sa pamangkin namang si Baby Claude na five months old ay tuwang tuwa siya. Mas mahal na nga niya 'yon kesa sa kapatid niya mismo. That time I feel the stab on my chest in a way that I am longing of having my own child. Dati ayoko ng anak, ngayong malapit na naman akong madagdagan ng edad... Andun na iyong feeling na gusto ko rin ng may inaalagaan at may pinagpupuyatan. Kung pwede lang sabihin kay Clade na gusto ko ng anak. Why not? Kaso duh, I feel awkward pa rin.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...