Obsession Love: The Wrong Indication

3.7K 49 0
                                    

Chapter Seven: The Wrong Indication

"Dahan dahan." hawak ni Clade ang kamay ko pagkababa ng kotse. Sobrang init kaya may hawak siyang payong sa kabilang kamay upang masilungan kami at hindi mainitan. Narinig ko ang pagsara ng van sa likod ng kotse.

"I can handle myself," I said dryly. Napatingin sa akin si Lynne at Tita Karylle na magkasalo sa iisang payong. Tumango si Clade kasabay ng pagsara ng pinto ng kotse.

"Yes you can but I want to take care of you." He said gently. "Let's go, bago pa tayo mabilad sa araw."

I didn't react when he pulled me into his arms ng buksan niya ang gate na hanggang dibdib ko lang ang taas.

Pagkapasok ay bumungad sa akin ang isang garden sa harap ng isang two storey house na napaliligiran ng bermuda grass. Ang nakaagaw pansin sa akin ay ang porch swing.

"Do you like our new house?" He smiled at me. I nodded. "Yes I like it. Thank you."

Pagkapasok namin sa loob ay bumungad ang maaliwalas na living room. Ang liwang ng araw sa labas ang nagbibigay ilaw sa loob. It is because of the full length windows. The structure of the house is giving me a warm. It feels like home because of the pastel color.

"Ang fresh ng kulay. Nakakarelax." Naupo si Lynne sa sofa. "Pwede ba ko rito?"

"Alliah, kanila 'to kaya 'wag kang makisali. Mag-asawa ka na kung gusto mo ng ganitong bahay." maanghang na sagot ni Tita Karylle habang tumitingin ng mga paintings. Lynne frowned.

"Mag-aasawa ba 'yan? Parang magma-madre ata." Biro ni Clade na kinadahilan ng pagtama sa mukha niya ng throw pillow. I laughed because of the siblings. Madaling mapikon parehas.

"Shut up kung gusto mo pang mabuhay." Tumawa lang si Clade kaya hinampas ko sa braso.

"Tigilan mo na nga, mabadtrip 'yan." bulong ko.

"Kayong dalawa, diyan kayo magaling. Mag-asawa nga kayo. Mga malakas mang asar." dagdag ni Lynne. Mas tumawa kami ni Clade at nagulat ako ng pati si Tita Karylle ay natawa rin. Buong hapon ay doon kami nagstay. Puro tawanan at asaran ang nangyari kay Lynne habang nag-aayos ng mga gamit. Inabot sila ng gabi hanggang sa kailangan ng umuwi nila.

"Good bye, ma." Niyakap ni Clade ang mama niya. "Bisitahin mo ko sa bahay kung hindi.. Ako ang lilipat dyan." sita niya ng nagbitaw na sila sa yakapan. Tinignan lang ako ni Tita Karylle kaya tumango na lang ako.

"Lynne.." Tinapik ko si Lynne sa balikat. Umismid siya. "Sorry na,"

"Oo na ng makauwi na." Biro niya at niyakap ako. "Ang o-OA ninyo naman. Parang mha hindi magkikita, e, naglipat bahay lang naman."

Tumawa kami at nagpaalam na sila habang sumasakay sa sasakyan. Kumaway ako hanggang makalayo na ang van. Inakbayan ako ni Clade sa gilid.

"So that's the soft side of Hererra family." Tumango siya at hinalikan ako sa buhok.

"Masungit sila madalas..." Tumango ako. Sila 'yung mga tipong nakaka-intimidate na mga babae. Parang anytime in a moment na kasama mo siya, mapapaaway kayo. "pero kung minsan ay may kabaliwan ding alam. My mom is a crazy woman if you are not inform. Lahat na lang ng bagay ginagawan ng kung anu-anong trip niya. As well as Alliah. They cut from the same cloth."

I grinned. "As you are."

"Yeah." He smirked. "And soon, we will have on our own. Cut from our own cloth."

"Soon. Not now, not tomorrow." Nilingon niya ang mukha ko. He is smiling from ear to ear. Oh noes, ayoko ng ganyang ngiti.

"Nako Clade, pumasok na nga lang tayo sa loob." natatawa kong sinabi at humiwalay sa akbay niya. Nakangisi siya at palapit sa'kin. Napaatras naman ako.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon