Obsessive Love: Saudade [ Part I ]

3.5K 55 4
                                    

Chapter Fourteen: Saudade

I've been crying for a long time
Again today, I long for you
It's been hard for you, right?
Those words, those words of comfort as you look at me

I've been lost in your memories for a long time
But when I open my eyes, I only see your back
Is this a dream? Am I still living the days when I used to face you?
-Hope to hope, Kim na young (English translation)

-

"Mommy!" Napalingon ako sa batang tumatakbo sa may direksyon ko. I smiled at that kid. Tinignan niya ko ng nakangiti at inalok ng candy na hawak niya.

"Thank you, honey." sagot ko at kumuha ng isang chocolate candy. How sweet!

Bumaling siya sa katabi ko, "Mommy, mommy! I got this po." sabi nung batang lalaki sa mommy niya. I think he's three or four years old.

"Saan mo 'yan nakuha anak?" tanong nung ina at napatingin sa'kin. Nagkatanguan lang kami.

"Sa ano po mommy! Kay kuya dun!" tinuro niya ang security guard na napakaway ng makitang tinuturo siya ng bata.

"Nag thank you ka ba?" Tumango 'yung bata at tinanggal na ang wrapper ng candy. Napangiti ako ng mapakla. Kung siguro ay kami pa rin hanggang sa ngayon ay may anak na kami. I will bear his child. Siguradong siya ang makakamukha kapag lalaki. At na imagined ko na kaagad ang itsura. A handsome baby boy like his father.

But it's just a illusion right now. Matagal na kaming wala at hanggang ngayon ay siya pa rin. No wonder hindi pa rin ako nakakamove on dahil talagang siya pa rin. Hindi ko magawang palitan siya sa puso ko. How can I supposed to break this spell you've got me under?

At dahil sa naisip ko ay may nagclick na namang kirot sa puso ko. 'Yung sakit nandito pa rin. One day I'll get over him. Not today, not tomorrow but one day I think.

"Miss eto na po," inabot na sa akin ang travel bag ko. "Thank you." sabi ko at umalis na. Tinignan ko muna ang batang kumakain ng candy bago magpatuloy sa pag-alis ng airport.

Isinuot ko ang sunnies ng makalabas. Napasimangot ako ng biglang uminit ang panahon. Ano pa bang aasahan ko sa mid February?

Mas masarap pa ang klima kahit papaano sa CDO. Mas gusto ko doon kesa rito sa Manila. Mausok at magulo di tulad ng nakakawala ng stress sa pinagbakasyunan ko. Doon ako namalagi sa mga Lola ko ng halos dalawang buwan. Nagulat pa nga sila ng December 28 ay napadpad ako ng Cagayan De Oro. Natanong at nausisa ako nila Tita Carmen dahil sa biglaan kong pagdalaw. Matagal na kong hindi napupunta doon kaya naintindihan ko naman. Marami silang tanong at lahat naman ay nasagot ko maliban sa isa.

"Kay gandang dalaga!" sabi ni Lola Maria ng hawakan ang pisngi ko.

"Ma, hindi na dalaga 'yan. May asawa na. Diba sinabi ko sayo nung nakaraan. Hindi lang tayo nakapunta dahil hindi ka na pwedeng bumiyahe." saad ni Tita Carmel. "Onga pala, Asan ang asawa mo? Buti hinayaan kang mag-isang bumiyahe."

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon