Special Chapter: Little Herreras (Part III)

5.5K 62 1
                                    

Alliah's POV

The day passed by, palala ng palala si Clade. Ako ang nag-aalaga sa kanya habang hindi bumabalik si Cyrish.

"The nerve of that girl. Hindi man lang nagpaalam na aalis." singhal ni Jess, nakipagkita siya para lang makapag rant. 'Yung kaibigan niyang si Gerald ay binara naman siya.

"Nagpaalam siya. Via text."

Umirap si Jess at si Axel ay natango lang. Samantalang si Zyra ay masama ang tingin sa'kin. Lintek naman. Ako nanahimik sa bahay tapos mapupunta ko rito para pag-usapan ang lumayas na si Cyrish. At ang dalawa kong instant opponents naririto at parang balak akong patayin. Si Gerald at Jess naman ay nakikiclose kahit ang mutual friends lang naming lahat ay si Cy na MIA.

Dapat pala hindi na ko nagpunta, masama pa naman ang pakiramdam ko at na-op. Nyetang buhay. Awkward!

"May alam ka ba kung saan nagpunta?" tanong ni Jess na obviously, siya lang ang dumadaldal. Siya kasi nagplano nitong gathering kuno namin.

Tumikhim ako, "I don't know where she is. Text lang din natanggap ko,"

"Any cause why she left? Nag away ba sila ng kapatid mo?"

Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko gawain ang magsabi ng mga problema ko at lalo pa ng sa iba. Napahinga siya ng malalim at nanahimik. Maya-maya ay biglang dumating ang order naming lahat. Mali, sila lang pala ang umorder. Ayokong kumain dahil baka mamaya ay masuka ko. Morning sickness is sucks.

"Thank you." sagot ni Jess pagkabigay ng mga order nilang coffee at cakes.

Inihilig ko ang ulo ko sa pader ng coffeshop dahil nahihilo ako. Punyeta naman, 'wag kang sumabay.

Bumaligtad ang sikmura ko ng maamoy ang iniinom na avocado shake ni Axel. Napatakip ako ng bibig at kita sa kanila ang gulat. Tumayo ako at dumiretso ng restroom para sumuka. Great, makakahalata sila sa'kin.

Lumabas ako ng cubicle at nadatnan si Zyra na mataman ang tingin. Dumiretso ako sa sink at nagmumog. Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood sa cat fights.

Paalis na dapat ako ng bigla niyang sinara ang pinto. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Back off. Ayokong makipagtalo sayo."

"Hindi naman..." Napailing siya at tinignan ako sa mata. "Please, layuan mo na si Rod. Hayaan mo na siya sa'kin. Kahit ako na ang magsustento sa anak mo basta akin na siya."

Napangisi ako. "What the hell are you saying? Baliw ka ba? Hindi mo alam ang sinasabi mo."

"Ako kasi ang nauna pero alam kong pipiliin ka niya dahil sa batang 'yan." Tinignan niya ang puson ko. Napaismid ako. If you only knew, Zyra. If you only knew.

Napailing ako ng iiyak na siya. What the! Crying baby ba 'to or she's just acting para makuha ang awa ko. "Okay, eto ha. Hindi ako o ikaw ang magde-decide kundi si Rod. I may sound bitchy here pero nahihirapan din ako sa sitwasyon natin. Ako ang pinakanahihirapan so ibalik mo 'yang luha mo at tanggapin ang mangyayari sa mga susunod na araw."

Hinawi ko siya at umalis na ng restroom bago pa may gawin siyang hindi maganda sa'kin. Aba malay ko ba kung santa santita lang 'yan. Hindi ko naman kasi siya kilala bukod sa pangalang Zyra. I don't even know her surname.

"Gusto mo bang bumalik si Cyrish?" napalingon ang naglalasing na si Clade. "Kesa magsunog ka ng atay dyan, kumilos ka para ibalik siya. Lahat ng dahilan kung bakit siya umalis, ituloy mo at itama. She will understand it. Tutulungan kita, can you do it, kuya?" ngumiti ako at nilahad ang kamay. Muntik na kong mainis ng hindi pa niya inaabot ang kamay niya ng ilang segundo.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon