Aftermath: The Final Goodbye

4.7K 54 0
                                    

Chapter One: The Final Goodbye

The hospital was my most hated location in my entire life. So many people struggle for their lives. So many lives been taken. And that was the thing that I scared the most. Ayokong nakakakita ng naghihirap dahil sa sakit. Ayokong nakakakita ng mga taong hindi makangiti. Ayokong nakakakita ng mga taong umiiyak.

Of all the places, now I'm here at my most hated place on earth, sitting and waiting for my husband to wake up. Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay ng napakahigpit.

"C-clade please wake up. Ang dami kong sasabihin sayo. Please naman.. maawa ka sa akin, hindi ko kakayaning mawala ka." Hinalikan ko ang kamay niya kasabay ng pag-iyak. Hindi ko pa nasasabing mahal pa rin kita sa kabila ng lahat. That I feel sorry about everything. Please, wake up. Babawi pa ko sayo sa pang-iiwan ko. Kaya naman 'wag mo kong iwan ng tuluyan. Kapit lang para sa akin, sa amin ng pamilya mo. At sa magiging pamangkin mo.

"The patient was suffering an internal hemorrhage that cause him to be unconscious. It was hard for us to save him after the operation." rinig kong paliwanag ng doktor kay Tita Karylle at Lynne.

"C-coma ang anak ko?" halos manginig ang boses ni Tita Karylle. Ayokong lumingon sa likod ko dahil mas lalo akong manghihina at baka mamaya ay mahimatay din ako.

"I'm sorry to say ma'am but yes. He's in coma. Ang magagawa natin ay ang magdasal at ipanalanging magigising siya. The damage on his brain was totally-"

"Doc, sa akin mo na lang sabihin. Delikado ang pagbubuntis ng anak kong babae kaya sa labas na tayo mag-usap." Ilang saglit pa ay bumukas sara ang pinto.

Naramdaman ko ang kamay ni Lynne sa balikat ko. Hinawakan ko ito habang ang isa kong kamay ay pinunasan ang luha ko. "W-wag kang umiyak. Walang patay kaya 'wag kang magsayang ng luha."

Kinagat ko ang labi ko at pinilit na tumango. Saan pa niya nakukuha ang lakas ng loob? Ako kasi ubos na ubos na. Hindi ko na alam kung saan huhugutin pa. Akala ko sa teleserye ang ganitong eksena pero talaga palang nangyayari. Sa dami ng tao sa mundo, bakit sa akin pa? Bakit sa amin pa?

"He'll wake up, Cyrish. Just be strong for him. Kung nagsasalita 'yan baka nagalit na. Ayaw niyang naririnig kang umiiyak. At sa lahat ng tiniis at sakripisyo niya, hindi siya papayag na hindi magising." Tinignan ko siya at nginitian niya lang ako. Tumango ako at hinawakan ang kamay ni Clade. I'll be strong for him no matter what it takes.

The next day, nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tinignan ko muna si Clade na mahimbing na natutulog bago isara ang bintana. Sleeping Prince, wake up.

Dumiretso ko ng cr at inayos ang mukha ko. The next thing na ginawa ko ay ang dapat na gagawin ng nurse kay Clade. Sponge bath.

Nagpa-assist na lang ako para hindi mainis ang nurse sa'kin, inaagawan ko kasi ng trabaho. Nacheck na ang vital signs ni Clade ng dumating sina Lynne at Rod na magkasama.

"What's up? Any improvement?" tanong ni Rod pagkalapag ng basket of fruits sa side table.

"Stable naman siya pero ayan pa rin. Sleeping prince." Lumapit sa hospital bed si Lynne.

"Gigising din 'yan. Oo nga pala, i-aware lang kita na may magiging security kayo rito sa hospital. Sa labas naman sila nakabantay kaya don't worry. Gusto lang ni mama na masigurado ang kalagayan ni Clade. Alam mo na, for his safety and to us also. Pili na lang ang makakapasok."

Tumango ako, "Okay ako doon. Nahuli na ba si Ivy?"

"Unfortunately, hindi pa." sagot ni Lynne at napailing. "Lintik lang ang walang latay kapag nahuli siya."

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon