Chapter Four: Cydney Maris
"Kinakabahan ako sa pagdating niya."
Nagkatinginan kami ni papa sa sinabi ni mama. Di ko masisi si mama dahil matagal na panahon ding nalayo ang anak niyang bunso. Baby pa nung nakausap niya. Nakikita namin ang pictures niya noon, pinadadala ni lola para sakin. Natigil din ang pagpapadala nung mga nakaraang taon. Galit si Lola sa mama't papa ko noon, dapat nga ay kukuhanin din ako ni Lola pero umalma na ang mga kamag-anak namin sa Bulacan, side ng papa ko. Kinuha na nga raw ang isa, bakit pati ang natitira?
Si Lola Nancy kasi ay nanay ng mama ko. Kaya malaki ang concern sa aming apo niya. May kaya ito kaya kinuha si Cydney. Siya ang nagpaaral dito at sa iba ko pang pinsan doon sa Cagayan. Namatay naman ng maaga ang lolo ko.
"Wag kang mag-alala, hanger. Mukha namang pinalaki ng maayos si Cydney. Oh siya, sunduin na natin. Baka nasa airport na 'yon." sabi ni papa at kinuha ang susi ng kotse sa'kin. Inabot ko naman kay mama ang pamaypay. Tinignan niya ko ng nagtataka.
"O' baka mahimatay ka pa sa kaba, ma. Just in case."
"Pagkatapos talaga nito, kakausapin ko 'yang si Clade, 'nak. Di ka dapat pinauwi ng nakataxi. Paano kung may nangyari sayong di masama? Anong oras na non." Hirit na naman ni papa sa gitna ng pagmamaneho. Nakatahimik lang si mama sa passenger seat. Siguro dahil sa kabang nararamdaman sa pagkikita ulit nila ni Cydney.
"Nakikinig ka ba, ha?"
Napailing ako, ang kulit. Kanina pa ko nagpapaliwanag. "Opo kanina pa. Di nga niya ko pinauwi. Ako mismo ang umuwi."
"Kahit na. Dapat di ka niya hinayaan. Alam naman niya sigurong delikado 'yon. Marami pa namang rapist sa daan. Kung narape ka? Tatanggapin ka pa ba niya? Makakatikim talaga sa'kin 'yang lalaki na 'yan."
"Pa naman! May sakit nga siya. Di niya alam na umalis ako sa kanila." Sumandal ako sa upuan.
"Mahal ako nun. Tatanggapin niya ko kahit nacomatose pa ko sa daan." Dagag ko pa ng di nakatingin. Hawak ko ang cellphone na kanina pa vibrate ng vibrate. Silent mode kasi. Ayokong maabala ngayon.
"Sige panalo ka na. Ikaw na ang umalis. Sa susunod na gagawin mo 'yon, kapag wala na ko ng di ako nag-aalala ng ganito." napatingin ako kay papa sa rear view mirror. May bahid ng tampo 'e.
Tumikhim si mama at tinignan ako sa salamin. May pinaparating ang mata.
Ako naman ang tumikhim. "S-sorry na. Di na mauulit."
Tumaas baba ang kilay ni mama ng madahan at tumingin na ulit sa bintana.
"Ayos lang naman, 'nak. Ang akin lang, ngayon lang ako bumabawi sainyo ng mama mo. Noon nasa barko ako. Kapag umuuwi, nag-aaway naman kami. Nawala na si Cydney, napabayaan ka pa. Ayoko lang namang magsisi kapag nawala ka ng dahil lang sa ganyang kapabayaan. Ayokong mawalan ng pagkakataong bumawi kung pwede naman sa ngayon. Naiintindihan mo ba ko?"
Tahimik lang ako. Napatingin ako sa bintana. Kinagat ko ang labi ko para di maiyak.
"Oo malaki ang pagkukulang ko bilang asawa at bilang ama. Gusto kong bumawi sa natitirang buhay na meron ako. Kaya nga eto diba, kukuhanin na natin si Cydney sa lola mo. Gusto ko ng simulan... Bago ka pa magbuo ng sarili mong pamilya. Gusto ko 'yung atin muna ang mabuo kasi matagal ng nasira. Ito ang tatandaan mo, Cyrish Mariella Aguilar. Kahit na mag-asawa ka na, di mo pa rin mapipigil sa'king pakialamanan ka lalo pa kung alam kong seguridad mo na ang nakataya. Ayokong masaktan ka o mapahamak. Naranasan mo ng maiwanan at masaktan namin noon. Ayoko ng mangyari ngayon kahit asawa mo pa 'yan. Hayaan mo na ang papa na protektahan ka dahil pinagsisihan kong di ko nagawa noon... Na ipakitang mahal ko kayo."
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
Ficción GeneralLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...