Obsessive Love: The Missing Piece

3.4K 57 1
                                    

Chapte Four: The Missing Piece

"Kausapin mo na lang kapag malamig na ulo." sabi ni Jess sabay tapik sa balikat ko pagkalabas namin ng resto. Tumango ako. Naikwento ko sakanya ang nangyari sa'min ni Rod dati. Di ko na lang sinabi na dahil kay Clade ang dahilan kung bakit kami nagbreak. At naintindihan naman niya ang sitwasyon ko kung bakit ako nagsinungaling. Iba na rin siguro mag-isip ang may anak na. May sariling pamilya. Mas nagiging matured at malaki ang pang unawa na di tulad ng sa buhay dalaga pa.

Super stressful ang naging hapon ko dahil sa madaming paperworks. Isama pa ang pag-iisip kay Zyra. Kung alam lang niyang may gusto si Rod sakanya ay baka nawala na galit non.

"Break a leg." biro ko kay Gerald na nakasimangot na sa kakatype sa laptop niya. He snorted.

"Leg ka diyan. Masakit na leeg ko. Nastiff neck na ata." umiiling siyang nagstreched ng paa at kamay. Tumawa si Jess na katapat ng upuan ni Gerald. Hilig nilang tumambay rito sa coffee table sa may reception area. Di ko lang alam kung anong meron. Baka di gaanong toxic tulad ng sa loob.

"Uwi ka na?" tanong ni Gerald. Huminto sa pagtype sa laptop niya si Jess at pinasadahan ako ng tingin.

"Yep. Di na ko mag-OT. Next time na lang," ngumiti ako. Tumango 'yung dalawa.

"Paano mayaman na." bira ni Gerald. Napanganga ko at napailing. Ngumiti siya ng nakatawa. "Joke lang," bawi niya at sumandal sa upuan. Kapag talaga ang lalaking 'to ang magbibiro. Di ako natatawa. Nakakaoffend na ewan.

"Anyway," umirap si Jess. "Si Zyra! Pati ako nilayuan! Aba, bahala nga siya."

"Bakit nga ba? Sa'kin tuloy nagsa-sasama." angal ni Gerald habang nagtitipa. Tumawa ng nanunuya si Jess. Napataas kilay lang ako.

"Talaga lang ha?" sabi pa niya. Tumango si Gerald na nakasimangot na ulit. Nabadtrip.

"Oo kaya 'wag kang malisyosa."

"Ako pa talaga a," napailing si Jess at napangusong nagbalik sa pagscroll sa laptop. What is really happening here? Parang wala na kong alam.

"Ah, okay... Mauna na ko. Bye!" paalam ko at lumabas na ng building. Para naman kasing useless na ko doon. Silang dalawa na lang nagkakaintindihan.

Nadatnan ko ang family car at ang driver na naghihintay sa'kin. Tinapon niya sa sahig ang upos ng sigarilyo at tinapakan. Tumikhim ako ng magkatapat kami at pilitang hindi huminga. Ang baho naman kasi!

"O kuya, asan si Clade?"

Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse sa likod. "Wala po, Ma'am e. Nasa trabaho pa daw."

"Ah, thank you." sabi ko ng nakaupo na sa likod at isinara niya ang pinto ng kotse. It's weird. Buti pa si kuya driver alam na nasa work pa siya. Ako hindi man lang tinext.

Umandar na ang kotse at tahimik lang akong nakamasid sa bintana. Biglang tumikhim si kuya, "Ma'am e, pasensya na ho."

Tinignan ko lang siya sa rear mirror. "Doon po sa paninigarilyo ko. Di lang maiwasan."

"Ah." Ngumiti ako. "Okay lang naman kuya, kung pwede lang pakitapon kaagad 'pag nakita mo ko. Hindi lang talaga ko sanay makaamoy non. Hindi ako makahinga."

Napatango siya at napangiwi. "Sorry po ulit."

"Okay lang basta bawas bawasan ninyo na rin. Masama kasi sa katawan." Huli kong sinabi at natahimik na ulit. Umu-oo naman si kuya driver, susubukan daw na bawasan ang adiksyon niya. Ayoko kasi ng nakakaamoy nun, ang baho. Nakakasama kaya sa katawan. Advice ko na din kay kuya driver.

Nakarating kami sa bahay ng mga Hererra at ang tahimik sa labas. Kapag kasi ganitong hapon ay nasa labas ang mga katulong para magdilig ng halaman ni Tita Karylle.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon