Love: Bulacan Trip

9.2K 124 1
                                    

Chapter Four- Bulacan Trip

Sumandal ako sa kotse at mas niyakap ang sarili. "Inaantok pa ko."

"Matulog ka sa loob." sabi ni Clade habang nilalagay ang gamit sa likod ng kotse. 5am in the morning, malamig at madilim pa. Sino ba ang hindi aantukin?

"Paano ka?" tumingin siya sakin ng nagtataka. I rolled my eyes. "I mean, kung tulog ako. Baka antukin ka din dahil wala kang kausap at mabangga pa tayo."

Lumapit siya sakin at inusog ako para maibukas ang pintuan ng kotse. "Sakay na, matulog ka kung gusto mo. Mas ayokong walang kausap mamayang pagdating natin ng Bulacan.'

"Opo, opo." sagot ko ng nakangisi at sumakay na. Bossy! Naglagay na ko ng seatbelt habang siya ay umikot para sumakay na din. "Walang picture, picture ha. Kundi makakatikim ka sakin!" pagbabanta ko. Hilig kasi niyan sa stolen picture. Nakatingin ka sa iba, yung natutulog, kumakain, basta yung mga kay papangit ng mukha ko tapos i-wallpaper niya. Lakas mangtrip!

"Ano ang matitikman ko?" sumilay ang pilyo niyang ngiti. Nag-init ang pisngi ko. Walanghiya talaga! Bakit pa kasi iyon ang nasabi ko, tsk! May pagkaano din 'to e.

Pinaandar na niya ang kotse. Itinaas ko ang kamao ko. "Eto matitikman mo. Umayos ka nga! Nakakaloka."

Pinisil niya ang pisngi ko habang ang isang kamay ay nasa manibela. "Bakit ka namumula?"

"H-ha? P-pinagsasabi mo dyan." iniwas ko ang mukha ko para di na niya pigain ang cheeks ko.

"Whats with the stuttering words?" Iniwas ko ulit ang mukha ko ng pipisilin naman niya ang ilong ko. Tinampal ko ang kamay niya, "Stop it."

Nagpatuloy lang siya na di pinakikinggan ang sinasabi ko. Iwas ako ng iwas ng mukha, nilalapit naman niya ang kanyang kanang kamay para abutin ako. "Stop it, Clade!" natatawa kong saway habang iniiwas o kaya ay tinatakpan ang mukha ko. Siya naman pursigido lang na mapisil ang ilong ko. Gumagawa ng paraan para matanggal ang aking kamay sa mukha ko.

"Stop it. Baka mabunggo tayo sa ginagawa mo." sagot ko habang umiiwas sa kamay niyang nangingiliti. Isang kamay lang ang nakahawak sa manibela, baka mabunggo kami! Ayoko pang mamatay. Marami pa kong pangarap. Marami pa kong gusto sa buhay. Aba!

"Ugh, fine. Kulit!" sabi ko ng matigil na siya. Baka mamaya mamatay pa kami dahil sa simpleng kaartehan ng lalaking 'to. Hinayaan ko na lang ang gusto niyang gawin. Grabe, daig pa ang babaeng buntis kung maipilit ang gusto. Ngumisi siya kasabay ng pagpisil ng ilong ko. "Teme ne, huy,"

Tinampal ko na ang kamay niya ng halos di na ko makahinga. "Happy?"

Napailing lang siya at ginulo ang buhok ko. Then nagmaneho na siya ng dalawang kamay ang gamit. Buti naman! Kahit wala pang gaanong sasakyan sa daan, delikado pa din 'yun.

"Cy, wake up. We're here." nagising ako sa maamong boses ni Clade. Hinahaplos pa niya ang pisngi ko kung kaya't napadilat ako. Ang una kong nakita ay ang mga mata niyang pinagmamasdan ang pag-gising ko.

"Good morning," I greeted. Ngumisi siya kasabay ng paglayo sa mukha ko. "Andito na tayo?"

"Yep. We're here but.." nilingon ko siya. "Whats the problem?" Lumingon na ko sa bintana. Bago pa siya magsalita ay napanganga na ko. Wow!

"Fiesta ata?" Tumango ako. May mga makukulay na banderitas na nakasabit sa paligid. Nasa Malolos Bulacan kami ngayon. "Singkaban nga pala ngayon.."

Kumunot ang noo ni Clade. Di naintindihan ang sinabi ko. Umiling ako, "Malalaman mo mamaya. Don't worry. Labas na tayo!"

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon