Chapter One: Birthday wishes
60 seconds. 60 minutes. 24 hours. 30 days. 12 months. 1 Year... 2 years. Two years with him. Hindi nakakasawa. Hindi nakakabagot. Bawat araw, pare-parehas ng ginagawa pero palaging may nangyayaring bago. Ang bilis ng panahon, di ko namalayan dahil nag-e-enjoy ako. I'm always happy with him. Nag-aaway man kami, hindi madalas. Mas madami pang kilig, kulitan at maraming pagsusuka ng rainbows.
Tumikhim muna ako bago itinulak ng paa ang pinto ng marahan. Hinigpitan ko ang hawak sa chocolate cake na may nakatusok na mga nakasinding colorful candles. It's already midnight, birthday ni Clade ngayon.
At speaking of the birthday boy, still sleeping at my room. Nagluto kasi kami at ayon sa pagod siguro ay nakatulog. Ang plano ay sabay naming sasalubungin ang birthday niya ng 12am at kakainin ang niluto namin pero ayun siya, knock out. Sabi iglip lang pero naging tulog na. I let him sleep to make my suprise.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you.." pagkanta ko kahit hindi kagandahan ang boses ko. Madilim sa kwarto dahil pinatay ko ang ilaw kanina para mas makatulog siya habang ako naman ay nanunuod sa sala. Ang liwanag lang ay galing sa mga candles ng cake.
"Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you..." Naupo ako sa kama ng matapos ko na ang kanta. Nilapag ko muna ang cake sa sidetable. Napagalaw siya sa pagkakahiga ng kinalabit ko, napatili ako ng hinila niya ko pahiga. Nakadagan ako sa kanya. Nasa ibabaw.
"Happy birthday, Cladey."
Napakurap siya at minulat ang mata. Ngumisi pa habang kinukisot ang mata. "Akala ko binabangungot ako,"
Napakunot ang noo ko. "Huh?"
Hinawakan niya ko sa bewang at bumulong. "Akala ko kasi may kumakantang mangkukulam." And then he chuckled! Aba!
"Ah, ganon?" Naningkit ang mga mata ko. "Porke't pangit boses ko ganyanan na tayo?" Hinampas ko siya sa dibdib. He chuckled again. Lakas manglait! Kajirits!
Tawa siya ng tawa habang ako ay nakataas lang ang kilay.
"Tatayo ako," paalam ko at nagpumilit na tumayo. Umiling siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. Pinandilatan ko siya ng mata.
"Ano ba, parang tanga lang! Nakadagan ako sayo. Bitaw!" Umiling siya kaagad.
"No. Birthday wish."
Tumawa ako. "Ayoko! Ang babaw namang birthday wish 'yan. Tsaka nakadagan ako sayo, bitaw na! "
Pumikit ulit siya, napakagat labi ako. "Bakit?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Awkward kaya! Bitaw na kasi, please?"
"Wag kang pacute, hindi bagay."
Hinampas ko ulit siya, this time in his face. Napa-aray siya kasabay ng pagtawa in a sexy way. Oh Clade, stop it. Nakakaturn-on. Charot!
"Gago ka a," natatawang kong sinabi. Napadilat naman siya at tinignan ako ng gulat.
"Minura mo ko?"
I nodded. "Obvious naman 'e."
Napangisi siya, "Minumura mo na ko ngayon a, lagot ka sakin."
Napatili ako ng nagroll over kami. Nagkapalit kami ng positions. Hindi naman siya nakadagan sakin dahil sinusuportahan niya ang sariling weight. Subukan lang niyang dumagan, flying kick! Ang bigat kaya niyan! Mas lumawak ang ngisi niya. Kinabahan naman ako sa ngising 'yan. Nakakagago lang 'e!
"Babaw pala ng wish ha, let see."
"Gago ka talaga! Wag mong magawang mag-initiate tignan mo!" Tinulak ko siya ng nilapit ang mukha niya. Hinarang ko pa ang kamay ko sa pagmumukha niya. Aba, mahirap na 'no! Madilim. Dadalawa lang kami. Malamig, shet. At nasa kwarto kami. "Makakatikim ka sakin!"
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
General FictionLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...