Obsessive Love: Façade [ Part II ]

2.8K 49 0
                                    

Chapter Ten: Façade

"I have it."

"What? What do you have? Enlighten me, Cy.' Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Huminga ko ng malalim para makahugot ng boses para magsalita. "Na sa'kin na ang k-katunayan sa sinasabi ninyo. Clade was the one who stole the money of his own company."

I head his sharp intake of breath. "Paano mo nakuha? Saan? Paano mo masisigurado na 'yan nga?"

"Wag mo ng alamin kung paano ko nakuha, Axel!" sigaw ko out of frustration. "The thing is..." Parang naninikip ang dibdib ko. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Thinking of Clade doing this terrible things make me feel dizzy. And right now na may patunay na, para kong sinaksak ng kutsilyo. He stabbed me with his lies.

"Okay, alam kong mahirap sayo 'to. Pero paano mo masisigurado?"

"Nakalist dito ang nawalang pera sa company's finances. At sa bank account naman ni Clade; the same day, na nagpasok siya ng pera sa account niya ng same money na nawala."

"It means he was the one who stole it. Hindi naman siya makukuha ng ganong kalaking pera kung saan lang, Cy. Exact date, exact amount."

"I know, I know. Hindi mo na kailangan ipagdukdukan, okay?" I hissed.

"Sorry. Paano na? Ibigay mo sa'kin ng malinis na ang pangalan ni Ivy."

"No, Axel. Wala kong pagbibigyan nito kahit sino."

"What?" Napasigaw siya sa gulat. "Akala ko gagawin mo na ang tama-"

I cut him off. "Gagawin ko ang tama sa paraan ko, Axel. Hindi ko hahayaang malinis ang pangalan ni Ivy na ikasisira naman ng asawa ko. I know nagkamali siya. Alam ko 'yon pero kakausapin ko siya. Nakikinig siya sa'kin at alam kong ibabalik niya sa dati ang lahat. I will make sure he'll going to fix this. Besides, I'm the one who have the evidence. Ako ang masusunod. That's my way, Axel Garcia. Deal with it or not. I don't care anymore."

"Sino ang kausap mo?" Clade asked, isinara niya ang pintuan ng bedroom. Nilapag ko sa side table ang cellphone at naupo sa kama. Nanghihina ang tuhod ko sa nararamdaman ko.

"Nahatid mo na sila pauwi?" I sounded cold. Napatingin siya sa'kin ng nagtataka. Lumapit siya sa'kin at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang braso.

"Anong problema mo, Cyrish? Tell me." Tinignan ko siya pabalik. "Ikaw, may problema ka ba? Tell me. I'm just here willing to listen."

Napakunot noo siya. "What are you saying?"

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at kinuha sa table ang folder. Hinagis ko ito sa kama. Tinignan niya ko saglit at binuksan ang folder. Napakunot noo siya lalo at natawa ng mahina. Oh good, he's laughing at this huh?

"May nakakatawa ba?" I asked grimly. I hugged myself.

"Anong meron rito? It's just a company finances and my bank account." He sounded calm and cool with this. Paano mo nagagawa 'yan, Clade?

I shook my head. "Lies, lies! You're feeding me with your lies!" I shouted. "Alam ko lahat ng 'yan, Clade. 'Wag mo kong gawing tanga! Alam ko lahat ng nangyayari sa kompanya mo at ang nangyari kay Ivy. What's your problem? Why did you do that? For just a stupid reason?"

Tumayo siya. His lips turned into thin line. "Its not a stupid reason, Cyrish. Try to make it understand-"

"Try me to make you understand?" Napahilamos ako sa mukha. "Its a stupid reason, Clade! Nang dahil lang doon? Nang dahil lang sa ginawa sa'kin ni Ivy dati? It was a terrible reason para gawin mo 'yon sa tao. Napakaliit na bagay!"

"What are you saying?" gulat at naguguluhan ang mukha niya. Napailing ako. Napagaling umarte. The more he tries to deny it, the more my heart breaks. I trust him fully tapos ganito?

"Stop it, Clade. Umamin ka na lang sa ginawa mo, please. Ganon lang naman kadali." I looked at him once more. Lumapit ako ng mahinahon at hinawakan siya sa braso. "Then we will do the right thing. I will help you with-"

"Hell no!" Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang sumigaw at hinawi ang kamay ko. I can see in his eyes the anger. "I will not do that. I will never forget what she did! I'm sorry Cy but I can't." I can hear his sharp intake of breath.

"Ang liit lang ng bagay na 'yon,Clade! Stop this nonsense things with you." Uminit ang ulo ko ng umiiling siyang naupo sa dulo ng kama. Naghintay ako ng segundo para magbago ang isip niya, para aminin niya ang mali niya, pero hindi niya ginawa. Nakipagtitigan lang siya sa sahig. I sighed. "Fine! Kung ayaw mo tumigil, bahala ka! Bahala ka na sa buhay mo! I'm sicked with your immature attitude!"

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas. Naupo ako sa porch swing ng nakahalukipkip. Bakit ba ang immature niya sa ganitong bagay? Ang liit liit lang non, pinatulan pa niya? What the hell!

Nagstay ako sa labas ng halos isang oras. Nawala na ang init ng ulo ko at nahimas himasan na't lahat ay wala pa din siya para habulin ako. Nilalamig na kong lahat pero hindi ko siya nakitang sinundan ako at sinuyo. So nakakaya na niya kong tiisin?

I shrugged. "Bakit ka nga ba umaasa? Hindi ka naman susundan nun. Kaya ka na niyang tiisin.' sagot ko sa sarili. Mas sumama ang pakiramdam ko. Parang tanga lang, kainis!

At dapat nga pala galit ako sakanya. He lied!

-

"Aww," napahawak ako sa leeg ko ng makaramdam ng pagkangalay. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa porch swing.

"What the.." Napasingkit ang mata ko ng tumama ang sikat ng araw na pasikat pa lang. Nakatulog pala ko sa porch swing kagabi. Sumandal ako at nag-unat ng kamay at paa, doon ko napansin ang kumot na nalaglag.

Dinampot ko ito, kung hindi dahil dito baka may sipon at ubo na ko dahil sa lamig kagabi. Si Clade ba ang naglagay nito?

Naalala ko ang nangyari kagabi. Nalaman kong totoo ang sinabi nila Axel. Nag-away kami ni Clade kay lumabas ako ng bahay. Natiis niya kong di amuhin kaya dito na inabutan ng antok. Hindi niya ko ipinasok ng bahay pero hindi niya rin ako pinabayaan. May konting awa pa naman siya dahil sa nilagyan niya ko ng kumot. Ano ba ang mararamdaman ko?

He lied to me.

Technically, he did not. Hindi naman niya sinabi sa'kin. Hindi rin ako nagtanong nung una. But, he kept it a secret! Lagi siyang naglilihim!

I shook my head. Magalit pa rin ba o mawala na ang galit? Nagtatalo ang isip ko. Bwisit! Tumayo ako at nagmartsa papunta sa pintuan ng bahay. I bit my lower lip, bubuksan o hindi?

"Don't be scared. Its your house too." pagcheer up ko sa sarili at pumasok sa loob. Hawak ko ang kumot ng dumiretso sa kusina kung saan naririnig ang tunog ng mga kubyertos.

Inaway ko siya, tiniis niya ko sa labas pero nilagyan ng kumot. Ngayon naman gumagawa ng breakfast. So that means? Hindi niya ko natiis? My heat melted on my thoughts.

Maya maya pa ay nawala lahat ng asa ko sa buhay. Puro lang ako akala. Sayang lang! Dapat makikipagbati na ko at pipilitin na lang siyang baguhin ang ginawa kaso di mangyayari 'yon.

"Gising ka na pala." bati ni Lynne ng makita ako. Hindi naman si Clade ang naglagay ng kumot ko, e. Hindi rin siya ang gumawa ng breakfast. Lahat ng inassume ko ay gumuho at ako mismo ang nadaganan.

"Kumain ka na," Sabi pa niya at nilapag ang pitcher sa table. Ngumiti siya ng tipid at tumabi sa'kin sa upuan.

"Umalis na si Clade kanina pang 4am." Dagdag niya habang naglalagay ng pagkain sa plato niya. Tumango lang ako ng walang kaemo-emosyon. Nakatitig lang ako sa table ng ilang minuto.

"Cyrish, kumain ka naman kahit konti." Tumingin ako kay Lynne at umiling. Tumayo ako at nagtatakbo papunta sa hagdan para dumiretso ng bedroom. Nilocked ko ang pinto at nahiga sa kama.

"Cyrish! Cy! Open the door!" Lynne shouted. Hindi ako sumagot. Niyakap ko lang ang unan ni Clade as my tears flow down to my cheeks. I got angry. He let me slept outside. I assumed. I'm hurt. He broke my trust.

I let myself cry just for once.

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon