Love: The hero

10K 148 5
                                    

Thanks for reading Love lust. Sana support mo din 'to. Thankie!

**
Chapter Three:The hero

"Ayaw mo sumabay samin?" tanong ni Lynne sakin, umiling ako. "Bahala ka, libre pamasahe."

Tumawa ko, "Bruha ka talaga, next time."

"Baka naman may susundo." singit ni Axel. Sinamaan siya ng tingin ni Lynne sabay salita. "Di 'yan pwede."

"Okay sabi mo eh." Nagkibit bikat si Axel at nagpaalam na sila. Isang condo unit lang ang tinitirhan ng dalawang 'yan, parehas kasing malayo ang mga bahay ng magulang. Buti nga di nagkakadevelopan yan eh. Kunsabagay bakla si Axel, kaso malaking temptation si Lynne. Ewan, bahala sila sa kanilang buhay.

Nagvibrate ang cellphone ko. Binasa ko ang text.

From:Clade

Im here outside.

Di na ko nagreply at kinuha na ang bag ko kasabay ng paglabas ng building. Nakasabay ko pa yung ibang ka-department ko. Hinanap ng mata ko ang kotse niya, madali namang mahanap dahil tatatlo lang ang nakapark sa harapan ng Herrera company. Color red ang kotse niya. Lumapit ako doon at kinatok ang bintana. Napalingon naman ako sa paligid na nagbulungan bigla ang mga ka-offcemates ko. Anyare? Parang nung nasa elevator lang ako ah. Ano bang shocking kay Clade?

Finally, the door open. Pumasok na ko ng di na lang pinansin ang mga chismisan nila. Baka naman talagang nagwapuhan sila kay Clade. O kaya nayayabangan dahil sa angas ng kotse. Medyo flashy din kasi ang may-ari nito eh.

"Good afternoon."

Ngumiti ako kasabay ng paglalagay ng seatbelt. "Good aft."

"Saan tayo?"

"Kahit saan." sagot ko. Mas napalingon siya sakin. "Are you not..."

"Scared?" pagtutuloy ko ng sinasabi niya. I shook my head. "No. Im not scared of you. I mean, dapat oo. Nung una ayoko talaga sayo. I feel unsafe. Danger will come but.. Nakilala naman kita kahit di personal info so its okay."

He smiled, amused. I knew him already, I trust him. Di ko man alam ang personal info about him, ayos lang kasi di rin ako nagsasabi. Basta alam lang niya kung saan ako nagtrabaho, at bakit di ko pa siya pagkakatiwalaan kung lahat ng hinaing, kabaliwan, kadramahan ng buhay ko these past two months ay sa kanya ko naikwento. As I said, he is my hero. Isang text lang dadating kaagad. Mas mabilis pa nga siya kesa sa pag-register ng unli sa TM. Di ko nga alam kung nakatambay lang yan eh, kaso nakabusiness attire palagi so nagtrabaho. Siguro flexible lang talaga ang sched niya kaya mabilis na nakakapunta kapag kailangan ko ng mapagkwentuhan. Ayokong magtanong dahil di rin niya ko tinatanong ng personal na bagay. Its our way to respect each other. Mabilis ding napalagay ang loob ko dahil di siya masamang tao, kung bad guy siya baka nung nakaraang month pa ko nagpakamatay at baka 40 days ko na. Im already his friend, mabilis nga lang. Mas mabuti na 'to. Yung iba nga tagal ng magkaibigan pero sila pa ang nagplastikan at nagsisiraan pag nakatalikod.

"Malay mo balak na kitang rape-in." nagkibit balikat siya.

"Baliw! Kung matagal mo ng gusto 'yan, ginawa mo na kaagad noon pa. Bakit pa patatagalin yun. At kung sakali, matagal na kong baliw sa mental." tumawa ko sa sinabi ko mismo. Napailing siya. He started the engine, "Paandarin mo na, ang daming nakatingin sa labas."

"Yes,commander." sumunod naman na siya. Umandar na ang kotse kaya napasandal na ko sa kinauupuan ko. Nakakastress din kayang pagmasdan ng madlang people sa labas. Baka bukas ako na ang pinagchismisan ron. Kumunot ang noo ni Clade. "Don't mind them, di talaga maiiwasan. Gwapo ang kasama mo."

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon