Chapter Three: Sisters trouble
"Totoo ba 'to?" I asked him. He nodded while staring at my eyes. Sumandal ako sa balikat niya habang ang kamay naman niya ay umakbay sa'kin.
"Feeling ko nanaginip lang ako. Di ako maka-get over sa kanina." Tinignan ko ang engagement ring na nasa finger ko. Pink diamond surrounded by white diamonds. Ang ganda lang sa kamay ko, nakakatuwa.
"Paano mo nakuha ang sukat ng daliri ko?" tanong ko habang hawak niya ang kamay kong pinaglagyan ng engagement ring.
"When you're sleeping in the couch. Sinukat ko na, a month ago."
"Oh? Ang tagal na,a! Buti di ko na halata." I smiled. Di na ata ako magsasawang ngumiti. Nakakatuwa lang kasi. Mixed emotion na ang nangyari kanina. Para kong maiihi na iiyak. Ngayon makakahinga na ko ng maluwag dahil tapos na. Medyo okay na ko kahit di parin buong na-absorb ng utak ko ang nangyari.
Heto kaming dalawa ng fiancè ko, naks! Magkatabi sa upuan habang ang mga bisita naman ay kumakain. Busy sa mga foods so walang istorbo.
"Newly engaged. Nandito pa po kami kung napapansin ninyo." sabat ni Axel. Okay, binabawi ko na. Istorbo pala, may istorbo pa din!
Tinignan namin sila ni Lynne na kaharapan namin. Kumakain silang dalawa. Ang maingay lang talaga ay si Axel, si Lynne kasi ay tahimik. Baka talagang naiintimidate kay Clade. Boss kasi nila, mahirap makitungo pag kaharap mo na diba?
"Clade, come here with us. May sasabihin lang ako sayo hijo." salita nung mama ni Clade sa kabilang table. Ang kasama niya doon ay ang parents ko, si Yael at 'yung girl.
Doon naman sa next table ay ang mga friends ko sa Villafuerte Corporation. Himalang tahimik sila, lalo pa 'yung si Jess.
"Wait here. Punta lang ako doon." bulong ni Clade. Tumango ako at tumayo na siya sa kanyang upuan. Nagulat pa ko ng may coat na dala 'yung maid at nilagay sakin ni Clade at tsaka pa lang umalis ng table.
"How sweet!" sabi ni Axel at uminom ng wine. Ngumisi lang ako.
"Alam mo Lynne. Ang ganda ng damit niya no? Bagay din sayo!" Aniya.
Napakunot noo si Lynne. Tumango siya at ngumiti samin.
"Whats wrong? Tahimik ka ata."
Nakuha ko ang atensyon niya at nagsalita, "W-wala. May katext lang ako."
"Ahh, luma-love life!" pang asar ko. Di siya sumagot at ngumisi lang. Bumalik na naman ang tingin niya sa ibaba, hulaan ko nagtetext sa ilalim ng table.
"May nanliligaw kasi!" turan ni Axel habang nakatingin sakin. Napa-ahh lang ako at sumandal sa upuan. Natahimik kami then nagdecide na kong lumipat naman sa kabilang table, which is table nila Jess.
"Tahimik nyo dyan? Anyare?"
"Nakakahiya kasi kung mag-iingay. Lahat sila tahimik lang oh. Di gaanong malakas magkwentuhan." sagot sakin ni Zyra habang itinuturo ang table ng mga parents naming mahina lang ang mga boses.
I groaned, "Ayos lang 'yan ano ba! Ganyan lang kasi sila dahil nagkakailangan pa. You know, first time 'to. We should celebrate. Engaged na ko at last!"
Nagtawanan sila at itinaas ang mga flute glass. Kumuha ko ng akin sa nagdaang waiter. "Cheers everyone."
I am happy and kinda excited. New chapter of our lives is beginning to unfold. Until now, I don't know how to manage all of this. Wedding bells, church, marriage etc. But still, I always tried my best. Everything just for him, hindi nakakapagod.
"Cladey, asan ka ba?" I asked when he finally answered my call. Nakailang try na kaya ko!
"I'm worried. Where are you? Bakit di mo sinasagot ang tawag at text ko sayo?" I heard him coughed. Sabi na 'e, natuluyan ang lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
Genel KurguLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...