Obsessive Love: Under the white Christmas tree

3.3K 46 2
                                    

Chapter Eight: Under the white Christmas tree

"Hindi ako sinasaktan ni Clade, I swear."

"E, ano 'yan? Saan galing?" Pinandilatan niya ko ng mata. "Bakit ka nagkaganyan? 'Wag mo kong lokohin na bigla ka na lang nalaglag sa kung saan o tumama sa pader."

Magsasalita dapat ako ng bigla siyang sumingit. "At tignan mo nga ang sarili mo ngayon. Mukha kang stress. Ang laki ng eye bags mo, halatang hindi nakakatulog ng maigi. Inaabuso ka ba ni Clade? Walanghiyang lalaki 'yan, a!"

Napapikit ako ng sumigaw siya. Ang lakas! "Hindi nga, ma. Hindi nga niya ko nasaktan kahit isang beses."

"Oh talaga? Sa tingin mo paniniwalaan ko 'yan?" Umiling siya. "Hindi mo nga masabi kung bakit ka nagkaroon ng ganyang pasa."

I bit my lip. Paanong hindi ako magsasabi ng dahilan, ang hirap namang sabihin 'yon lalo pa na nanay ko ang mismong kaharap. Napaka-awkward! At sa eyebags naman, hindi talaga ko nakatulog dahil sa ibang dahilan, hindi ang sa abusong hindi ko alam kung saan niya nahugot. Sa panunuod ata ng mga drama!

"Trust me, ma. Wala talagang nangyayaring pag-abuso dito. Kung sinasaktan niya ko, sasabihin ko sainyo kaagad."

"Aba malay ko kung tanga at bulag ka sa pag-ibig at hayaang saktan ka niyan." sagot pa niya na ikinanganga ko. Nanay ko ba 'to?

"Ma hindi ako ganong katanga! Alam ko naman kung kelan aalis sa puder niya kung sakali o kung ano pa man. Okay ako. Masaya kaming dalawa." Tinaasan niya ko ng kilay. Ngumiti ako at natawa na naiiling. Umaandar ang pagiging exaggerated niya ha.

"Kumain na ba kayo?" pag-iiba ko. Binuksan ko ang platong may takip ng styro. Breakfast pa 'to. Kinuha ko ang sticky note na nakadikit sa mesa kalapit nung niluto ni Clade for breakfast.

Good morning, Love. Have a breakfast. Eat this. I'll be home at 5pm. See you later. I love you.

Napangisi ako at inabot kay mama ng may look-at-this face pa ko ng may pagka proud. Huh, you're wrong mother.

Kinuha niya ng pataray sa kamay ko. Binasa niya nung una ay nakataas pa ang kilay hanggang sa bumaba ito kusa. I feel relief ng napahinga siya ng maluwag.

Napailing siya at idinikit sa noo ko ang sticky note. "Ayan namnamin mo ang sulat ng asawa mo."

Tumawa ako hanggang sa naghanap siya ng pagkain sa fridge. Tinanggal ko ang sticky note sa noo at idinikit sa likod ni Mama.

"Mariella!" sigaw niya kaya tinanggal ko kaagad. Sabi ko nga hindi. Sinamaan niya ko ng tingin hanggang sa naghugas siya ng pork sa sink.

"Bakit ka ba hindi pa nakakain ng breakfast. Lunch na ah. Ano bang pinaggagawa mo? Gugutumin mo ba ang sarili mo?" Napangisi ako, nakasandal sa fridge. She's angry but at the same time, she still cares for me. Dinadaan lang niyan sa pinagagalitan way pero nag-aalala 'yan sa'kin.

"Sorry na po. At kay papa, sorry kamo. Hindi pa ko makakapunta ngayong linggo dahil busy pa ko. Please try to understand, kalilipat ko lang bahay. Mag-aayos pa ko, yung sa apartment kukuhanin ko pa. Super dami pang gagawin sa works. Pagkatapos naman nun, magpupunta na ko sa Bulacan. Christmas vacation ko, sainyo ko ilalaan. Promise."

Ngumisi si Mama. "Siguraduhin mo lang. Pati ako naiinis na. Puro ka pangakong napapako."

I flinched. "Sorry naman po. Ngayon totohanin ko na 'to. Tatawag na din ako palagi."

Lurking in the ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon