Chapter Six: Size matter
"Clade, di ako makakapunta sa birthday ni Lynne." Napatigil siya sa panunuod at nilingon ako. Kumunot ang noo niya.
"Bakit?"
"Bukas uuwi kami ng Bulacan. Hanggang Saturday 'yon so one week halos. E' friday diba ang party niya?"
Tumango siya at kinuha ang kamay kong nakapulupot sa bewang niya. Nasa apartment kami ngayon, nanunuod ng movie. Wala sila mama at papa dahil pumunta ng mall kasama si Cydney. May bibilhin raw bago kami umuwi bukas sa Bulacan.
"Pakibigay na lang ang regalo ko," sabi ko pa habang nilalaro niya ang kamay ko. Kumunot ulit ang noo niya at tinitigan ako.
"Di pa rin kayo bati?"
I bit my lip and slowly nodded. Di pa rin kami ayos ni Lynne. Di niya ko pinapansin kahit noong birthday ni Axel. Di rin kami nagkakakita simula noon dahil busy siya sa 'new boyfriend' niya at busy ako sa work at preparation ng wedding.
"Para kayong mga bata." He added.
I groaned, alam na kasi niyang alam ko na ang pagpapanggap kuno ng kanyang kapatid. Pati si Axel ay nabaliw nung nalaman ko, natakot siya sa'kin sa ire-reaksyon ko. Hindi na ko nagalit pa kay bakla dahil birthday niya ng araw na 'yon. Pinalipas ko na at medyo wala na sa'kin ang kasinungalingan nila. Ang hinihintay ko na lang ay ang paglapit ni Lynne sa'kin para makipagkasundo pero hindi niya nagawa. Kunsabagay, ma pride si Lynne. Ayaw nagpapakumbaba kung minsan. Hay nako, bahala siya.
"Bata mo mukha mo." sagot ko ng nakangiti. "Ilang weeks na lang, excited ka na?"
"I am excited. Ofcourse." Hinalikan niya ang kamay ko. Napangiti naman ako.
Kapag naiisip kong malapit na kong ikasal ay parang naghuhurumentado ang puso ko. Naka-kakaba na nakakaexcite. Di ko maintindihan. Wedding jitters siguro.
"Magiging busy ako lalo. Ayoko na! Pahinga naman..." pabiro kong sabi at nahiga sa sofa. Sinalo niya ang ulo ko at nilagyan ng unan ang lap niya para doon ipatong.
"Makakapagpahinga ka naman pagkatapos.." Tumaas baba ang kilay niyang nakangiti ng pilyo sakin. Tumawa ako at nagtakip ng mukha.
"Baliw ka talaga!" I shouted. I heard him laughed.
"Totoo naman 'a? Honeymoon...."
Tumawa ulit ako at pinilit na niyang tanggalin ang kamay sa mukha ko. Namumula ata ako. Ang init talaga ng pisngi ko.
"Eto di pa natin napag-uusapan, Cy." Sumeryoso ang mukha niya. Halatang nagpipigil ng tawa.
"A-ang ano?" natatawa pa din ako. Hinaplos niya ang buhok kong nakalugay.
"We need to have this conversation before our wedding. It's awkward but.." Di na niya napigilan ang pagtawa. Hinampas ko siya sa dibdib pero nahuli lang ng kamay niya.
"You're too cute."
"W-why?" Alangan kong nasabi. Nawala na din ang tawa ko. Awkward talaga kanina kaya ko dinadaan sa tawa. Kasi naman! Pero sa pinuntahan naming seminar ay sinabi na din na kailangan talagang pag-usapan ang about sa ano, you know what i mean. Di naman totally doon pero 'yung family planning daw ng mag-asawa. At so far, wala pa kaming topic na ganon pwera sa ngayon. At kapag pala iyon na ang topic, it caught me off guard. Dinadaan ko na lang sa tawa.
"When you're blushing." Kinurot niya ang cheeks ko. I frowned. The eff. Akala ko kung ano!
"So back to the topic."
I protest, "Clade naman!"
Tumagilid ako ng higa at ang kaharap ko na ay ang t-shirt niya. He chuckled.
BINABASA MO ANG
Lurking in the Shadows
Genel KurguLove. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang isang pagkakamali para sa kanya, iyon din pala ang magiging dahilan ng paggawa ko ng isang desisyon... ang pag-alis mismo sa puder niya. | He...